• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban stresses she has no nude photo circulating on the internet

Angelica Panganiban stresses she has no nude photo circulating on the internet

The actress refuses to be affected by this malicious rumor spreading on the web.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/7/2011 1:00 AM
Angelica Panganiban stresses she has no nude photo circulating on the internet


Hindi raw natatakot si Angelica Panganiban sa muling paglabas ng diumano'rsquo;y nude photo niya. "Hindi naman ako matatakutin. Mataray ako, eh. Nabubuwisit ako," ito ang reaksyong ng aktres sa paglabas ng nasabing picture na ngayon ay kumakalat sa Internet at cell phones.

Dagdag pa ni Angelica, matagal na raw ang nasabing isyu kaya'rsquo;t nagtataka siya kung bakit muli na naman itong nahalungkat. Ang nagsabi raw sa kanya ay ang bestfriend ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay. Tinawagan naman daw siya ni Derek dahil daw nag-alala ang ama ni Derek para sa aktres.

Sa The Buzz kahapon ay ibinahagi ng host na si KC Concepcion at matalik na kaibigan ni Angelica na nakatanggap din daw siya ng text message tungkol sa picture sa kanyang pribadong numero. "'rsquo;Yun 'lsquo;yung taong nakakapagtaka kasi alam niya ang personal numbers ng mga taong hindi mo naman dapat malaman ang number," ani Angelica na kahit siya raw ay hindi niya alam ang private number ni KC.

Muli ay idiniin niya na hindi siya ang babae sa nude photo. "Ang ganda kaya ng body ko," pagbibiro ng aktres. "Hindi ako ganun mag-bra. Baliktad siyang mag-bra. Flexible kaya ako, hello!"

Paliwanag pa ni Angelica kung siya man daw ang nasa larawan ay malalaman niya kung saan kinunan at kung sino ang kumuha ng picture pero hindi raw talaga siya iyon.

Itinanong ng host na si Charlene Gonzales kung sa tingin ba ni Angelica ay taga-showbiz ang nagpapakalat ng nasabing litrato. "Ayaw kong mag-isip ng pangit kasi masyado po akong happy," buwelta ng dalaga.

Mensahe naman niya sa mga taong naninira sa kanya, "Mamatay kayo sa inggit dahil ganito ako kaganda," natatawa niyang sagot. Masuwerte raw siya na mabigyan ng talento ng Diyos at mayroon daw siyang mga kaibigang tunay na nagmamahal sa kanya.