• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino talks about her once-a-month date with Diether Ocampo and poem for James Yap

Kris Aquino talks about her once-a-month date with Diether Ocampo and poem for James Yap

Kris says she and Diet have reconnected after 13 years of friendship on the the set of Dalaw.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/4/2011 12:05 PM
Kris Aquino talks about her once-a-month date with Diether Ocampo and poem for James Yap


Balik-trabaho na si Kris Aquino mula sa kanyang Bali, Indonesia trip kasama ang ilang showbiz friends na sina Lucy Torres-Gomez, Zsazsa Padilla at Liz Uy. Kakaibang female bonding daw ang nangyari sa kanila roon. "It was excellent female bonding and chikahan. All of us came home with the same sentiment. Sana kung ano man ang marketing at pagpu-push at PR for Bali sana ay magawa 'lsquo;yun for us. Lahat ng meron sila, meron din tayo," kuwento ni Kris.

May plano pa kaya ang apat na bumalik sa Indonesia for another female bonding sa susunod na taon? "Next year sabi namin, dito na lang kami, same effect lang naman, magchi-chikahan lang naman kami. I learned a lot from them especially Lucy because she'rsquo;s so madasalin. Na-inspire ako na mag-pray nang mag-pray. Happy and stable ang home life nila. Supportive ang marriage nila, marami silang nagagawa para sa Ormoc, yun ang pini-pray ko. Yung kay Zsazsa, she has to leave us a day early because kailangan niyang mag-alaga kay Mang Dolphy," dagdag pa ng Queen of all media.

Bukod sa bonding ni Kris with her female friends, plano rin daw ng aktres na makipag-bonding sa close friend niyang si Diether Ocampo. Once a month na Saturday night out daw ang napagkasunduan nina Kris at Diether. "Diet and I have been friends mga 12, 13 years. Ngayon lang kami nag-reconnect, maganda ang samahan sa shoot ng Dalaw. We made a pact na tutal he'rsquo;s not in a relationship, I'rsquo;m not in a relationship, walang magseselos as of now, na parang sabi ko i-maintain naman natin ito," pahayag pa ni Kris.

Sobrang busy ni Kris sa kasalukuyan dahil magsisimula na ang dalawa niyang TV shows ngayong February, ang Pilipinas Got Talent Season 2 at The Price Is Right. Excited din siya sa kanyang latest album na ire-release na rin soon. Mayroong ginawang poem si Kris for James Yap sa album na ito. "Ni-record ko na, mas madaling magpaka-totoo ngayon. I can say anything, I could allow the songs to speak for me. Kasi kahit hindi ako kumakanta, you get to know my life, you get to know my feelings. Ang ganda ng version ni Toni (Gonzaga) sa "Bless The Broken Road" and KC'rsquo;s also gonna record. Sabi ko kay James last na 'lsquo;yan. Closed chapter na tayo doon, may poem ako para sa kanya, para sa akin," pagtatapos ni Kris.