Angelica Panganiban reacts on her alleged photo scandal

The actress says somebody called her to say she has a new scandalous photo circulating on the internet.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/4/2011 4:01 PM
Angelica Panganiban reacts on her alleged photo scandal


Pagkatapos ng successful red carpet premiere ng pelikulang "Bulong" ay isang malisyosong balita ang kinakaharap ngayon ni Angelica Panganiban. Mayroon daw kasing panibagong photo scandal ang aktres na kumakalat sa kasalukuyan. Nag-leak diumano ang nasabing larawan sa internet kaya kumalat na sa iba'rsquo;t ibang websites. Sa scandalous photo na tinutukoy ay si Angelica raw ang babaeng nakahubad habang nakababa pa ang bra,'nbsp; nakuhanan ng isang taong malapit o maaaring katabi diumano ng aktres. Exposed ang boobs ng babae sa nasabing photo.

Paano kaya nakarating kay Angelica ang balita at ano ang kanyang ginawa? "May tumawag kasi sa akin dati pa, sinasabi na oh! May kumakalat na picture mo pero di naman ikaw. Kaya lang may nagke-claim na ikaw nga daw, nagsusuot nga raw ako ng bra. Pinuntahan ko yung site, kahit ako ay na-confuse pero alam ko yung katawan hindi ako 'lsquo;yun pero nung tinitingnan ko yung mukha, sabi ko grabe, kamukhang-kamukha ko naman ito. Ipinakita ko kay Derek, (sabi niya) hindi ikaw 'lsquo;yan," kuwento ni Angelica.

"Hindi po ako iyon. Malayung-malayo po ang katawan ko doon. Sabi ko nga kung pwede kong ipakita ang aking katawan, gagawin ko kaso baka mawalan naman ako ng trabaho," paglilinaw pa ng aktres.

Ngayon ay mayroong pakiusap si Angelica sa mga taong patuloy na nagpapakalat ng nasabing photo scandal. "Hindi ko naman iyan papatulan pero sana ay tumigil na. Sa mga taong nagkakalat nito, mapababae man o mapalalaki, sana ay magkaroon ka ng kaunting hiya. Isipin mo na lang na mayroon kang kapatid na babae o nanay mo, hindi nakakatuwa," seryosong pagtatapos ni Angelica.