• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino and Ruffa Gutierrez agree to forget about their rift

Kris Aquino and Ruffa Gutierrez agree to forget about their rift

Having finally talked to each other during the People Power Revolution anniversary, Kris and Ruffa agree to let bygones be bygones.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/28/2011 11:20 PM
Kris Aquino and Ruffa Gutierrez agree to forget about their rift


022811-kris-ruffa_main.jpgNoong Biyernes ay isang engrandeng pagtitipon ng mga pinakasikat na celebrities ang ginanap para gunitain ang ika-dalawampu’t limang anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution. Naghandog sila ng isang libreng concert para sa mga kababayan natin sa pangunguna ni Ogie Alcasid. Muling nasaksihan ang pagsasama nina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez dahil sila ang tumayong hosts sa nasabing event kasama pa ang isa pa nilang kaibigan na si Aiai Delas Alas.

Matatandaang nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan sina Kris at Ruffa noong isang taon at mula noon ay hindi na nila napag-usapan kung ano man ang naging problema nila. Nagkita na rin ang dalawa sa isang event sa Resorts World kamakailan pero simpleng hi at hello lang ang nangyari sa kanila noon. Sa muli nilang pagsasama noong Biyernes ay tuluyan nang nagka-ayos at nagka-patawaran na sina Ruffa at Kris. “All is well that ends well, and I’m happy kasi I mean effort yung ginawa ni Ruffa to be here tonight and I’m so appreciative of that effort,” nakangiting pahayag ni Kris. “Oo! Umiyak-iyak ako kanina dahil hindi naman kami talaga nakapag-usap since that incident. Sabi ko sa kanya, Uy! Kris sorry ha, kasi hindi ko naman talaga alam na may pinagdadaanan ka pala noon ‘di ba,” pahayag naman ni Ruffa.

Inamin din nina Kris at Ruffa na kinalimutan na raw nila ang hindi nila pagkakaunawaan dati. Matagal na rin daw kasi silang magkakilala at kababawan lamang daw ang naging dahilan ng kanilang tampuhan. Lumaki ang isyu sa pagitan ng dalawa dahil sa kasagsagan ng kampanya at eleksiyon noon.

Masayang-masaya ang dalawa dahil muling nanumbalik ang kanilang friendship. Nagkabiruan pa sina Ruffa at Kris na pareho raw kasi silang mabait kaya nangyari ito sa kanila. “Ito, walang halong any ka-plastikan or pagpapa-cute or whatever kasi we’re at that point in our lives na, the past is behind us, okay ang present, we can look forward to the future,” emosyonal na pahayag ni Kris.

Pagkatapos ng concert ay nag-post pa ng messages sina Ruffa at Kris sa kanya-kanyang twitter account kung gaano sila kasaya sa katatapos lamang nilang pagkikita.