Apl.de.ap says he prefers a Filipina wife in the future

Though he has established a career in the international music scene, Apl.de.ap remains a true Filipino at heart.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/28/2011 10:58 PM
Apl.de.ap says he prefers a Filipina wife in the future


022811-apl_main.jpgNakiisa si Apl.de.ap sa celebration ng 25th anniversay EDSA revolution noong February 25, Biyernes sa pamamagitan ng isang concert sa People Power Monument kung saan nag-perform siya sa harap ng marami nating kababayan at sa Pangulong Noynoy Aquino. “It was great to be involved in an important part of the history of the Philippines,” simula ni Apl.de.ap o Allan Pineda Lindo Jr., sa totoong buhay. “It’s an honor to share myself and be involved in an important event.” Idinagdag pa ng member ng sikat na grupong Black-Eyed Peas na naaalala pa niya ang People Power Revolution noong 1986. Naaalala rin daw niya si dating Senador Ninoy Aquino at alam ang pagiging bayani nito.

Naging sikat man si Apl.de.ap sa ibang bansa ay patuloy ang pagiging Pinoy at heart ng international star. Truth is, tuwing Pasko ay umuuwi sa bansa si Apl upang dito magdiwang ng holiday season. Aniya, masaya kasi ang mag-Pasko kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Kung hindi pa ito sapat na patunay na hindi pa rin naaalis ang pagiging Pilipino ni Apl, sinabi niya sa panayam ni Toni Gonzaga para sa The Buzz na mas pipiliin pa rin niya ang makapag-asawa ng Pinay.  “(With) Filipinas I just feel home,” lahad ng mang-aawit. “I feel I have a lot of the same values. I grew up here and I grew up (knowing) ligaw.” Aniya pa, naranasan na raw niyang manligaw ng Pilipina noon.  

Isa pang pinagkakaabalahan ngayon ni Apl ay ang kanyang foundation sa kanyang hometown sa Pampanga, sa Sapang Bato. “I just built a computer lab in Sapang Bato so kids could learn about computer and technology and media and it’s all for free.”  

Itinayo rin ni Apl ang kanyang sariling recording label, ang Jeepney Music, kung saan nilalayon niyang magtampok ng mga Filipino singers at iparinig ito sa buong mundo. “I’d like to collaborate with other Filipino artists. There are a lot of talented Filipino artists and I would like to give opportunity to showcse their music,” aniya.

Patuloy naman ang pagpapasalamat ni Apl.de.ap sa mga kababayan niyang patuloy ang pagsuporta sa kanya. “I just wanna thank everybody for continuous support of the Black-Eyed Peas and supporting me as a Filipino artist. It makes me proud to be a Filipino and represent Filipinos all over the world. Maraming salamat sa lahat ng suporta n’yo.”