• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos on Kris Aquino: Ang friendship naming beyond politics

Vilma Santos on Kris Aquino: Ang friendship naming beyond politics

The Batangas governor is thankful for Kris' loyalty and friendship.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/25/2011 7:08 PM
Vilma Santos on Kris Aquino: Ang friendship naming beyond politics


022511-vilma_main.jpg

Kahapon ay magkasamang nagsagawa ng medical at dental mission sina Kris Aquino at Governor Vilma Santos sa Lemery, Batangas. Masaya ang dalawa dahil naging very successful ang kanilang proyekto. "We always do medical mission kasi yung time na nakakatulong ka sa tao na libreng gamot talaga pero ang maganda'nbsp; dito sinabay naming proyekto ni Kris yung pagbibigay niya ng vaccination for anti cervical cancer at the same time sinabay namin, birthday gift present para sa ating mga kabataan so pinagsabay-sabay na lahat, and I think it'rsquo;s very successful," pahayag ni Governor Vi.

Very thankful ang Star For All Seasons kay Kris dahil sa napakalaking tulong daw na ipinagkaloob ng queen of all media sa kanilang lalawigan. "Ang friendship namin beyond politics. It'rsquo;s more of service to people in need, team work talaga. Kris my friend, thank you for this partnership, napakalaking tulong ninyo para sa mga nangangailangan para sa bayan ng Batangas," emosyonal na mensahe ni Ate Vi. "Siyempre I love Ate Vi, magandang ehemplo siya kung ano talaga ang dapat gawin as a public servant," pahayag naman ni Kris.

Samantala, naikuwento rin ni Kris ang ginawang pagdalaw sa kanya ni James Yap sa bahay kamakailan. Hiningi raw ni James ang opinyon ni Kris tungkol sa condominium unit na nire-rent ng basketbolista sa ngayon. "Dinalaw niya si Bimby bago mag-game, tapos sabi niya sa akin tingnan ko raw yung nire-rent niya ngayon kung dapat niyang bilhin, tapos ako naman pakialamera sabi ko I think you should live in Rockwell, wala lang para makialam lang," nakangiting kuwento ni Kris.

Mayroon din daw comment si James tungkol sa bagong kuwarto ni Kris. "Sinabi niya sa akin na sigurado ka na puro pink at bulaklak? Pati kama mo pink, parang wala kang balak ikasal, sabi ko obvious ba wala na," pagtatapos pa ni Kris.