• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda talks about possible kissing scene in his new movie

Vice Ganda talks about possible kissing scene in his new movie

Vice Ganda says his new leading men Kean Cipriano and Paolo Hubalde are close to his heart.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/25/2011 4:12 PM
Vice Ganda talks about possible kissing scene in his new movie


022511-vice_main.jpg

Naging very successful ang launching movie ni Vice Ganda last year na "Petrang Kabayo" kaya naman isang bagong pelikula na ang ginagawa ng komedyante ngayon. "Nag-start na kami ng Private Benjamin, nag-shoot na kami. Pamilya kami ng sundalo, sa akin nahinto kasi bakla ako. Mayroong isang mahalagang pangyayari sa bansa na kinakailangan kong pumasok sa pagiging sundalo para ma-save yung honor ng bansa at pamilya," pahayag ni Vice.

Mukhang magpapakalbo raw si Vice sa nasabing pelikula dahil sa kanyang role na sundalo. "Di ko alam kung buong kalbo talaga pero kakadkarin yung buhok ko. Kasi papasok ako sa military, kailangang panindigan. Okay lang naman, pelikula ko naman iyon. Kahit magpakalbo ako, keri lang, bottomless ang ganda ko, hindi puchu-puchu ang face ko," natatawang sagot ng komedyante.

Sobrang excited ni Vice dahil magiging leading men daw niya sa pelikula ang mga lalaking malapit sa kanyang puso katulad nina Kean Cipriano, Tutti Caringal ng bandang 6cyclemind at ang basketball player na si Paolo Hubalde. "Iyon talaga ipinagmakaawa ko, kahit walang suweldo basta isama lang nila yung boys na ikaliligaya ng puso ko. I heard si Kean ay pasok na, si Tutti ay 'lsquo;di ako sure pero kung pasok ay bongga dahil chika ko rin yun. Dapat kasama si Paolo, kaya lang di ko alam kung matutuloy, kasi may lalaruan yata siya," kuwento pa ni Vice.

Posible rin daw na magkaroon ng kissing scene sina Vice at Kean sa ginagawa nilang pelikula. Handa na kaya ang komedyanteng gawin ang ganitong klaseng eksena? "Na-feel ko na handa na siyang (Kean) makipag-kissing scene, napaghandaan na namin, charos! Depende, umarte pa ba ako kung halikan ako ni Kean? Ayaw ko lang dahil baka umani ng batikos iyan, pero bahala na tingnan natin. Kung hindi matuloy sa pelikula, baka matuloy sa ibang panahon," pabirong sagot pa ni Vice Ganda.