• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto is looking forward to having grandkids from Oyo and Kristine

Vic Sotto is looking forward to having grandkids from Oyo and Kristine

The comedian says he sees his son and daughter-in-law as good parents.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/26/2011 12:00 AM
Vic Sotto is looking forward to having grandkids from Oyo and Kristine


022611-vic_main.jpgVery impressed daw si Vic Sotto kay Bea Alonzo sa pag-arte at character ng aktres sa pelikula na kanilang ginagawa under Star Cinema. First shooting day pa lamang ay talaga namang nag-enjoy na raw si Bossing Vic habang kasama ang aktres sa set. “So far so good, more than we expected,” bungad ni Vic.

Ang pelikulang ito ang dapat pagsasamahan nina Toni Gonzaga at Vic pero hindi man daw natuloy ang kanilang pagsasama ay umaasa pa rin si Bossing na makakasama pa rin ang multimediastar sa isang project someday. “Why not? Matagal na kaming magkaibigan when she started working with us, wala naman kaming pinagsamahang hindi maganda and we were proud of her, we’re happy for her kung ano man ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon, She really deserves it because she’s very talented naman, so maybe in the future ay pwede,” seryosong pahayag ni Vic.

Samantala, pinaghahandaan na raw ngayon sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto ang pagiging magulang. Ngayon pa lamang daw ay dinidisiplina na ng bagong kasal ang kanilang adopted son na si Kiel. Balak din daw ng mag-asawa na kumuha ng course on parenting para handang-handa na talaga sila kung sakaling magkaka-baby na sila this year or next year. Very excited na sina Dina Bonnevie at Vic na magkaroon ng apo kina Kristine at Oyo, baby girl daw ang gustong apo ni Ms. D dahil lalaki na raw yung adopted child ng dalawa.

Hindi na rin maipagkaila ang excitement na nararamdaman ni Vic kung sakaling magkaka-apo na kina Oyo and Kristine. “Oo! If there’s one thing that I’m excited about is yung madadagdagan yung apo ko,” pagtatapos pa ng komedyante.