John Lloyd Cruz says he misses Bea Alonzo

The actor shares how it is to work with Toni Gonzaga, Angel Locsin and Bea Alonzo.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/25/2011 1:02 PM
John Lloyd Cruz says he misses Bea Alonzo


022511-jlc_main.jpg

Tumabo nang husto sa takilya ang kauna-unahang pelikula na pinagtambalan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga last year, ang "My Amnesia Girl". Kaya naman posible muling magkasama ang dalawa sa isang bagong pelikula at ngayon ay kasama rin nila ang iba pang members ng Kanto Boys na sina Luis Manzano, Billy Crawford at Vhong Navarro. "Scripting pa rin, di ko pa alam kung kailan magsu-shoot, basta yun ang naka-plano," bungad ni John Lloyd.

Habang hindi pa sinisimulan ang bagong pelikula ni John Lloyd ay abala siya sa kanyang teleseryeng "Imortal". Nagte-training ngayon ang aktor sa paggamit ng big bike para sa kanyang character as Matteo sa nasabing serye. "Nakapagmo-motor naman ako dati, part lang ng training ko 'lsquo;yun, part ng bagong look at character ni Matteo, he rides bike. Ang daming tumututok, lalo na kapag maganda yung episode, ang daming nagte-text. Nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng sumusubaybay gabi-gabi sa primtime bida ng ABS-CBN," pahayag ng binata.

Samantala, may mga pagkakataon daw na nami-miss ni John Lloyd ang dati niyang kapareha na si Bea Alonzo kapag mayroon siyang ginagawang eksena. "Minsan kapag nasa isang set ako, you will come across a scene that you have to do, minsan naiisip mo yung dati mong kapareha," kuwento ni John Lloyd. Masaya naman daw ang aktor na kahit hindi na sila magkasama ni Bea sa mga projects ay matagumpay naman daw sila parehas sa kanilang mga career. "I am very happy and proud, kaming inalagaan ni Direk Lauren sa "Kay Tagal Kang Hinintay", doon nagsimula ang lahat. Ilang years ago na yun, ngayon ay nandito pa rin kami. Nakakagawa kami ng trabaho namin kahit hindi kami magkasama. Yung mga nabuo at nasimulan namin noon, nagbubunga ng maganda ngayon," pagtatapos pa ni Lloydie.