• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu speaks up on Sam Milby and rumored Valentines Day date with Gerald Anderson

Kim Chiu speaks up on Sam Milby and rumored Valentines Day date with Gerald Anderson

Kim clarifies issues involving her with the two actors.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/24/2011 10:41 AM
Kim Chiu speaks up on Sam Milby and rumored Valentines Day date with Gerald Anderson


Naging kontrobersyal ang photo na lumabas last Saturday sa twitter kung saan ay magkasama sina Kim Chiu at Sam Milby sa Taylor Swift concert. Doon kasi nagsimula ang balitang nag-date daw sina Sam Milby at Kim Chiu sa concert ni Taylor Swift. Sa lumabas na pahayag ni Sam ay naikuwento ng aktor na si Maja Salvador daw ang kumuha ng nasabing photo at ginamit ni Maja ang personal phone ni Sam para i-tweet ang'nbsp; photo nila Kim.

Ngayon ay nagbigay na rin ng pahayag si Kim tungkol sa pagkaka-link niya kay Sam. "Nagkita lang kami doon sa Araneta coliseum and iyon, nakapasok kami sa gilid ng stage ni Taylor Swift, nahawakan namin siya. Magkasama kami sa linyang 'lsquo;yon, sa circle na 'lsquo;yon kasi binigyan kami ng V.I.P. bracelet," kuwento ni Kim.

Samantala, isa rin ang basketball player na si Simon Atkins sa mga nali-link ngayon sa young actress, very vocal kasi ang binata sa kanyang paghanga kay Kim. Nagbigay na rin ng pahayag si Simon tungkol sa kanilang pag-uusap ni Kim last week sa telepono. "She was really nice, down to earth. She'rsquo;s always laughing, really jolly girl. I like girls like that simple, walang arte," seryosong kuwento ni Simon. Ayon naman kay Kim ay okay naman daw ang naging conversation nila ni Simon at nakakatawa raw ang basketball player.

Kumalat din ang balitang niyaya raw ni Gerald Anderson si Kim na mag-date sa isang events place sa Pasig'nbsp; noong Valentines dahil sa dami ng lalaking nali-link sa young actress ngayon. "Hindi ko po alam, kasi kasama ko sina Maja noong araw na iyon. Nag-dinner kami sa bahay nila. Hindi ko alam kung sino ang nasa Glass Garden," paglilinaw ni Kim. Willing daw siya na maghintay kung sino man ang lalaki ang tunay na magmamahal sa kanya. "Hindi naman ako naghahanap ng mamahalin sa buhay. Darating naman iyan sa tamang panahon. May nakalaang tao na magmamahal sa iyo at mag-aalaga sa iyo at hintayin na lang natin siya," pagtatapos pa ni Kim.