Is Sam Milby dating Kim Chiu?

The heartthrob says he watched Taylor Swift's concert with Kim Chiu and some other friends.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/23/2011 11:02 AM
Is Sam Milby dating Kim Chiu?


Last Sunday ay nanalo si Sam Milby ng 2nd place at 3rd place sa dalawang magkaibang division ng isang Motocross competition, ang Philippine NAMSSA Motocross series round 2. Masayang-masaya ang aktor sa kanyang napanalunan dahil kinabahan din daw siya sa nasabing kompetisyon.

Samantala, may balitang magka-date daw sina Sam at Kim Chiu sa katatapos pa lamang na concert ni Taylor Swift sa Araneta Coliseum. Mayroon daw kasing photo na lumabas na magkasama sina Kim at Sam sa nasabing event. Ano nga ba ang tunay na nangyari noong concert ng International singer? "I wanted to watch pero sold out talaga yung tickets. Si Ate Carress (Road manager ni Sam) said, Sam I was able to get tickets punta ka na dito. Okay, Kim and Maja (Salvador) told me they were watching. Hey! Where are you guys, let'rsquo;s meet up, yun lang," kuwento ni Sam. "Nakakatawa iyon, si Maja kinuha niya yung cellphone ko hoy! Ano, picture-an ko kayo. Sige, sige, she pictured us, took my phone and tweeted it from my phone. So yung mga tweets, nagde-date kayo ni Kim ngayon, pero it was a group of us, even afterwards, kumain kami, It was a group," dagdag pa ng aktor.

Hindi naman masamang ma-link sa isa'rsquo;t isa sina Kim at Sam dahil pareho naman silang single sa kasalukuyan. Kung mabibigyan ng pagkakataon, may plano kayang ligawan ni Sam ang young actress? "Cute naman si Kim and she'rsquo;s nice naman. Cute siya, wala lang, we'rsquo;re all friends lang naman, ganon lang. Sa ngayon hanggang doon lang, never kami nag-date or anything like that. Wala namang nangyayari na ganoon. We just worked together one time sa "Your Song". Single naman ako, ready naman ako for love, di pa lang nangyayari. Dadating 'lsquo;yon, kung sino man 'lsquo;yon, naghihintay lang ako," nakangiting pahayag ni Sam.