Bea Alonzo reacts on sulutan issue with Toni Gonzaga

Bea says she and Toni are on very good terms with one another.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/23/2011 4:09 PM
Bea Alonzo reacts on sulutan issue with Toni Gonzaga


Kahapon ay magkasama nang nag-shooting for the first time sina Vic Sotto at Bea Alonzo para sa kanilang pelikula under Star Cinema. Nauna nang nag-shoot si Bossing Vic last Saturday. Makakasama rin nina Bea at Vic sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat sa nasabing project.

Very excited si Bea sa kung ano ang kalalabasan ng kanilang ginagawa ni Vic dahil sobrang enjoy daw sila sa set. "This is something new to me kaya excited ako, alam ko na mag-e-enjoy ako sa pelikulang ito," bungad ni Bea.

Nag-react na rin ang dalaga sa mga naunang pahayag ni Toni Gonzaga tungkol sa diumano'rsquo;y napupunta kay Bea ang mga projects na dapat ay kay Toni. Una, ang pagtatambal dapat nina Robin Padilla at Toni Gonzaga sa isang pelikula na hindi naman natuloy, ngayon ay si Bea ang makakatambal ni Robin sa teleseryeng Guns And Roses. Pangalawa, si Toni rin dapat ang makakatambal ni Vic sa pelikula ng Star Cinema pero kay Bea rin ito napunta. Sinabi naman ni Toni na walang problema sa kanya kung kay Bea napunta ang project. "Natutuwa ako kay Toni kasi she'rsquo;s been very kind to me. If it'rsquo;s meant to happen it will happen, kung uukol, bubukol 'lsquo;di ba sabi nga nila," pahayag ni Bea.

Hindi raw dapat pagkumparahin ng mga manonood sina Toni at Bea dahil magkaibang-magkaiba naman daw sila ng ginagawa. "Sana ay huwag na lang nilang i-compare, iba yung ginagawa ko sa ginagawa niya (Toni). Yung kaya niyang i-offer ay hindi yun ang ino-offer ko. I woudn'rsquo;t compete kasi iba yung linya ko, iba yung linya niya. I'rsquo;m sure hindi rin naman niya papatulan iyan, ako din naman," dagdag pa ng dalaga.

Masayang-masaya ngayon si Bea sa takbo ng kanyang career at very successful ito sa lahat ng kanyang ginagawa. "Pagpasok ng 2011, nakaka-trabaho ko na yung mga hindi ko nakaka-trabaho before, Ang daming blessings," pagtatapos ni Bea.