• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga on Bea Alonzo getting her supposed projects: No hard feelings

Toni Gonzaga on Bea Alonzo getting her supposed projects: No hard feelings

The actress says she trusts ABS-CBN management in giving her the right projects.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/22/2011 7:47 AM
Toni Gonzaga on Bea Alonzo getting her supposed projects: No hard feelings


Noong isang taon ay napabalitang magsasama sa isang project sina Robin Padilla at Toni Gonzaga, at isa pang project dapat ang pagsasamahan naman nina Toni at Vic Sotto. Hindi natuloy ang mga nasabing proyekto.

Ang natuloy this year ay ang teleseryeng pagtatambalan nina Robin at Bea Alonzo na kasalukuyan nang ginagawa, at nag-storycon na rin kamakailan ang Star Cinema para sa pelikulang pagsasamahan naman nina Bea at Vic Sotto. Ano kaya ang masasabi ni Toni ngayon na nakakadalawang beses nang napupunta kay Bea ang projects na dapat ay sa kanya? "Baka siguro para kay Bea talaga at hindi para sa atin. No hard feelings and ill feelings. Mahal ko si Bea bilang isang nakaka-trabaho dito sa ABS-CBN at isa siya sa masasabi kong mabait na artistang nakaka-trabaho ko," pahayag ni Toni.

Ngayon ay marami na ring nagkukumpara kina Toni at Bea dahil parehong namamayagpag ang kanilang career. "Magkaiba kami ni Bea ng ginagawa. Magkaiba kami ng forte. Napakahusay ni Bea sa kanyang sariling field na expertise. Ako naman ay ganun din kung ano man ang ginagawa ko ay pinagbubuti ko rin. Magkaibang-magkaiba kami ni Bea. Kahit na magkaiba kami ay nasa isang istasyon kami kaya hindi siguro maganda na gawan ng issue o pag-awayin kami," paglilinaw pa ng multimedia star.

Masaya at nae-enjoy ngayon ni Toni ang kanyang pagho-host sa Happy Yipee Yehey dahil sa magandang feedback ng mga tao sa kanilang programa. "Maraming salamat po sa lahat ng kapamilya natin hindi lang sa Pilipinas, maging all over the world sa pagsuporta at pagsubaybay n'rsquo;yo po sa amin. Asahan ninyo po na mas pagagandahin pa namin at pagbubutihin namin at pipilitin namin ang aming makakaya para mapasaya kayong lahat," dagdag pa ng aktres.

Makagagawa pa kaya ng pelikula si Toni kung araw-araw siyang nagho-host sa TV? "Siyempre management ang nagde-decide ng lahat ng pangyayari sa buhay ko lately, so sila rin ang gagawa ng paraan para ma-organize nang mabuti ang schedule ko, at mabigyan ng tamang panahon ang bawat proyekto na gagawin ko so I'rsquo;m leaving it up to the management," pagtatapos ni Toni.