• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino and James Yap attend another hearing for their annulment case

Kris Aquino and James Yap attend another hearing for their annulment case

The former husband and wife are still friends and even shared what their gifts are for their respective birthdays.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/21/2011 2:47 AM
Kris Aquino and James Yap attend another hearing for their annulment case


Noong Biyernes ng hapon ay isang court hearing ang muling dinaluhan nina Kris Aquino at James Yap kaugnay sa kanilang ongoing na anullment case at ginanap ito sa branch 140 ng Makati regional trial court sa pangunguna ng judge na si honorable Cristina Sulit. Tumagal nang halos dalawang oras ang closed door hearing at tumangging magbigay ng pahayag sina Kris at James tungkol dito. "Bawal kaming dalawa magsalita, kabilin-bilinan ni judge pero kagaya ng sinabi ko, I really wish James so much happiness and peace di ba? And I wish him freedom as well," makahulugang pahayag ni Kris.

Sa nasabing hearing ay magkatabi ang dalawa at nag-uusap pa, patunay na maayos na ngayon ang pakikitungo nina James at Kris sa isa'rsquo;t isa. Lalo raw tumitibay ang kanilang pagkakaibigan sa ngayon. "Kasi di na kami magkagalit and wish namin talaga na maging peaceful ang pagiging magkaibigan namin at maging mabuting magulang kami para kay James (Bimby)," dagdag pa ng aktres.

Niregaluhan ni James at Bimby si Kris ng isang bracelet for her birthday at si Kris naman ay niregaluhan si James ng dalawang VIP tickets para sa concert ni Bruno Mars sa darating na April, dalawa ang tickets para makapagsama raw si James ng kanyang date sa nasabing concert. Binigyan din daw ni Baby James ang kanyang daddy ng pulang Blackberry phone bilang birthday gift for him. Mayroon daw ibinilin ang judge para kina Kris at James tungkol sa kanilang anak. "Ibinilin ng judge sa amin na hindi na daw siya dapat tawaging Baby James, huwag na raw Bimby'hellip;James," kuwento pa ni Kris.

Bawal naman daw ipaalam or sabihin kung kailan ulit ang kanilang susunod na hearing. "Legal Freedom" ang tanging hiling ni kris para sa kanilang dalawa ni James.