• Home
  • Fresh Scoops
  • John Estrada on his upcoming wedding: Ang importante lang sa akin darating si Priscilla.

John Estrada on his upcoming wedding: Ang importante lang sa akin darating si Priscilla.

John says he doesn't expect all of his friends to be at his wedding but what matters most is his bride, Priscilla Meirelles' attendance.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/21/2011 2:21 AM
John Estrada on his upcoming wedding: Ang importante lang sa akin darating si Priscilla.


Sa The Buzz kahapon ay itinanong ni Boy Abunda sa soon-to-be husband and wife na sina John Estrada at Priscilla Meirelles kung meron silang mga mahal sa buhay na hindi makakarating sa kanilang kasal na gaganapin sa February 26. Unang sumagot si Priscilla at sinabing narito na sa Pilipinas ang kanyang pamilya. "They'rsquo;re here already, family ko tsaka 'lsquo;yung childhood friend ko, dati kong friend na dito rin siya (and then) pumunta ng Miami (tapos) babalik siya. Tsaka 'lsquo;yung ibang friend ko French siya pero galing sa New York, so silang dalawa."

Natawa muna si John bago sumagot dahil alam niyang ang tinutukoy ng King of Talk ay ang kaibigan nitong si Willie Revillame na tatayong Best Man sana sa kasal pero sinabing hindi na siya darating dahil sumama ang loob kay John nang tanggapin niya ang hosting ng noontime show sa ABS-CBN. "This is the time to be with your family, to be with your closest friends," simula ng actor-host. "But kahit sa pamilya ko may mga taong hindi makakapunta. Some are from Basilan, some are from Zamboanga, but I understand that completely. Sa mga kaibigan ko naman, it'rsquo;s not an obligation, eh. You send an invitation but kung di sila makakapunta, I truly understand it at salamat lang sa pagtanggap na to be a part of it at least. Para sa akin importante lang sa akin darating dun si Priscilla, kasi kung hindi darating si Priscilla walang kasalang magaganap don," pagbibiro pa niya. 'nbsp;

Naikwento rin ni John na noong una ay hindi naging madali sa apat na anak niya kay Janice de Belen na sabihing magpapakasal na siya ulit. "At first, the first few week may mga nakita akong medyo uncomfortable, may resistance ng konti.'nbsp; Naiintindihan. I sat them down pinag-usapan namin and sinabi nila they'rsquo;re medyo, lalo na 'lsquo;yung pangatlo kong anak na babae, natatakot siya na baka magbago ang lahat. Sabi ko imposible. Ang magbabago lang sa atin madadagdagan kayo ng isang pamilya sa atin. So 'lsquo;yun lang magbabago dun. Madadagdagan lang sila ng isa pang nanay," kuwento ni John. "One thing I love about Priscilla is that when I saw her taking care of my kids, when I saw her with my kids, ah sabi ko ito na 'lsquo;yon."

Ayaw namang i-rate ni John ang sarili bilang tatay. "I think I would be biased kung magbibigay ako ng malaking grado ang sarili ko but rest assured, my kids know this: that I'rsquo;m trying my best. Kung nasa 8 ako, nasa 9 ako, I want to be a 10 for (them)," pagtatapos ni John.