• Home
  • Fresh Scoops
  • Empress denies not inviting Kim Chiu to her 18th birthday party

Empress denies not inviting Kim Chiu to her 18th birthday party

The young actress says Kim does not have a rift with her or any of their 'Churigogobaschu' friends.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/21/2011 2:29 AM
Empress denies not inviting Kim Chiu to her 18th birthday party


Ilang araw bago maganap ang kanyang debutante party ay nagkaroon ng mild accident si Empress sa kanyang bahay. Kuwento ng aktres, papunta siya sa comfort room sa kanilang bahay nang mabangga nito ang pinto na akala niya ay bukas. "Madilim, naglalakad ako, nabangga ko 'lsquo;yung glass door. Akala ko kase bukas siya. Nagkaroon ng minor injuries," kuwento ng aktres sa The Buzz kahapon. Gayunpaman very thankful ang aktres na kahit nagkaroon siya ng stitches sa noo ay hindi seryoso ang aksidente niyang natamo.

Ipinaliwanag din ni Empress na hindi totoong hindi niya inimbita ang kaibigang si Kim Chiu sa kanyang birthday party. "January pa lang inilista ko na 'lsquo;yung 18 roses and 18 treasures ko and sinabi na ng handler ko na may gagawin na si Kim ng February 20. Sabi ko, 'lsquo;patay naunahan na ako.'rsquo; Siyempre kami pong mga artista hindi madaling ma-move 'lsquo;yung sched namin, so parang ngayon hopeful na lang ako na sana makaabot siya kung anong meron siya ngayon," paliwanag ni Empress hours before her birthday celebration. Dagdag pa ng aktres, kung may mga lumalabas na kwento na nag-away daw sila ng grupo niyang Chiurigogobaschu'mdash; na kinabibilangan ni Melissa Ricks, Erich Gonzales, Kitkat at Beauty Gonzales'mdash;ay hindi 'lsquo;yon totoo. "Kahit ano pong lumalabas hindi lang po sa amin ni Kim, kahit sa aming grupo hindi po totoo lahat 'lsquo;yon."

Hindi rin daw big deal kung wala siyang escort sa kanyan debut. "'rsquo;Yung pagkakaroon ng escort hindi siya special, hindi siya big deal sa akin. Wala po akong special someone, never naman akong nagkaroon, so okay lang po na solo flight."

Depende rin daw sa proyekto kung papayag na siyang makipag-kissing scene ngayong dalaga na siya. Pero kung pipili siya ng unang makaka-kissing scene ay gusto niya itong maging si Enchong Dee. "Kasi po si Enchong siya po talaga 'lsquo;yung pinaka-close ko na lalaki sa show business. Nung nagsa-start po siya, kami ang naging close, hanggang ngayon close kami. Nag-love team kami dati. Isa po talaga siya sa mga tina-trust ko na kaibigan. Kung magkakaron ng kissing scene hindi na kailangang mag-ilangan," tapos ni Empress.

Naluha naman ang dalaga nang biglang handugan siya ng isang espesyal na awitin ng kanyang ama sa live show mismo ng The Buzz.'nbsp;'nbsp;