Bianca Manalo laughs off being linked to Enchong Dee

The beauty queen-turned-actress says she's not dating Enchong Dee.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/2/2011 2:42 PM
Bianca Manalo laughs off being linked to Enchong Dee


Bukod kay Kim Chiu ay may iba pang babae na nali-link ngayon kay Enchong Dee, ang beauty queen turned actress na si Bianca Manalo. Nakita raw kasi sina Enchong at Bianca na magkasama sa isang mall noong isang linggo.

Mayroon kayang namamagitan o itinatagong special relationship ang dalawa? "Wala! Lahat na lang, Zanjoe, James Yap, Enchong, sinong next? Wala, magkaibigan lang," bungad ni Bianca. Magkasama raw kasi na nanood ng sine sina Bianca at Enchong nang makita silang magkasama. "Kasama ko si Bekimon, dapat date naming dalawa yun. Tapos, tinext ako ni Erich na nandoon daw sila sa Greenbelt tapos sinabi na lang na sasama na lang daw si Enchong kasama ang'nbsp; ibang bata so nanood kami," kuwento pa ng dalaga. Kahit marami raw na lalaki ang nali-link kay Bianca ngayon ay talaga naman daw wala siyang love life sa kasalukuyan.

Samantala, isa pang isyu na idinidikit kay Bianca ay ang pagiging insecure daw nito sa pagpasok ni Venus Raj sa Kapamilya network. Magkakaroon na rin ng regular show si Venus. Simula sa Lunes ay araw-araw na ring mapapanood ang Ms. Universe 4th runner up sa "Umagang Kay Ganda" bilang host. Ano kaya ang reaksyon ni Bianca dito? "Oh very happy! Sa tingin ko naman field na gusto niya ay hosting, masaya, bagay sa kanya," pagtatapos ni Juanita Banana.