• Home
  • Fresh Scoops
  • Alfred Vargas says his girlfriend does not feel jealous about Precious Lara Quigaman

Alfred Vargas says his girlfriend does not feel jealous about Precious Lara Quigaman

The actor says his girlfriend Yasmine is very secure with their relationship.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

2/2/2011 12:26 PM
Alfred Vargas says his girlfriend does not feel jealous about Precious Lara Quigaman


Naging deretsahan si Alfred sa pagsasabing masarap at magandang ka-trabaho si Precious Lara Quigaman. Lalo na diumano nang kunan ang maseselang eksena nilang dalawa sa ilalim ng dagat kung saan nagkaroon daw ng attraction si Alfred sa beauty queen-actress. “Normal lang namn siguro 'yung of course, maa-attract ka talaga kay Lara dahil napaka-intimate and sexy nung kissing scenes naming dalawa sa ilalim ng dagat. She's pretty and nice to work with, masarap ka-trabaho and natutuwa ako na nakatrabaho ko siya ... basta,panoorin nila 'yung ginawa naming eksenang 'yun kung saan nabuo sa serye si Mutya,” natutuwang kwento ni Alfred.

Hindi naman kaya pagselosan na rin si Lara ng kanyang Fil-Italian girlfriend na si Yasmine Espiritu? “Ah, Yasmine is not like that. Bago pa man kami nagkakilala, alam niyang sinabi ko lahat sa kanya na ganito at ganoon ang trabaho ko and everything at naintindihan niya naman.Ngayon pa ba siya magseselos after two years? ‘Di ba? Ako, aminado akong seloso talaga akong tao, pero si Yasmine, hindi ganoon.”

Nilinaw rin ni Alfred Vargas na hindi sila nagkaroon ng secret vows ni Yasmine sa Italy. “Hindi ko isi-sekreto sa showbiz kung anuman meron kami ngayon ni Yasmine. Hindi kami secretly married but we're engaged. But kamamatay lang ng Daddy ko, supposedly this year talaga ang plano na naming church wedding, my dad passed away, magbabang-luksa pa kami and that will be next year, so,respeto na lang sa dad ko, next year,sigurado na 'yung church wedding namin ni Yasmine at hindi ko 'yun ililihim. Malalaman naman ninyong lahat,” paglinaw pa sa amin.

Naging tatak ni Alfred Vargas ang pagiging isang sikat na seksing aktor ayun na rin sa pangangatawan nitong brusko sa mga teleseryeng kanyang ginawa. Hindi ba siya natatakot na sa kanyang pagpasok sa ABS-CBN ay malilinya pa rin siya sa mga seksing roles? “Kung maganda naman at buhay na buhay ang role, why not. Sa akin naman,walang problema pagdating sa mga sexy roles, basta't maganda ito, bakit namn hindi ko gagawin. Open naman ako pagdating sa ganyan. Like sa role ko dito sa Mutya, talagang pinaghandaan ko naman. Nag-diet ako, nagba-boxing ako sa Elorde Gym, kasi,aminado naman akong during the campaign for the elections last year, tumaba naman talaga ako, so am trying my best na ibalik talaga 'yung dati kong katawan na nami-miss ko rin at tuloy-tuloy akong magpapganda ng katawan ko kasi kailangan talaga.