Bianca Manalo says she still doesnt have a love life

Bianca Manalo says that she is single at the moment and has no suitors now.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/19/2011 10:19 PM
Bianca Manalo says she still doesnt have a love life


Natapos na nung Biyernes, February 18, ang pinaka-masustansiyang teleserye, Juanita Banana. Nalulungkot si Bianca Manalo sa pagtatapos ng kanyang programa dahil ito ang nag-launch sa kanya bilang bida sa isang project. "Nakakalungkot kasi parang kailan lang yun na nag-shoot kami para sa promo ng Juanita, tapos ngayon ay ending na. Kinukuha na nila yung saging ko. Sobrang alam ko, ito pinaka-stepping stone ng career ko. Sobrang hindi ko ini-expect na ganun nila tatanggapin ang Juanita Banana," ang naging na emosyonal na pahayag ni Bianca.

Mami-miss daw ng beauty queen turned actress ang mga kasamahan niya sa programa na todo-suporta sa kanya sa tuwing mayroon siyang kinakaharap na mga kontrobersiya. "Maraming-marami rin po akong tsismis na kesyo masama ang ugali ko, maldita, malaki ang ulo. Sila mismo ang nagre-react, sobrang nakakatuwa kasi sila ang nagre-react. Yung crew, 'lsquo;Ma'rsquo;am Biancs, huwag kang mag-alala, kapag may kumalat na ganyan kami mismo ang magsasalita para sabihin na hindi totoo yun.'rsquo; Kaya nakakatuwa. Isang pamilya kami dito," kuwento pa ni Bianca.

Hanggang ngayon ay wala pang love life si Bianca, wala raw kasing nanliligaw sa kanya. Accepted kaya ng dalaga na walang nanliligaw sa kanya kahit maganda, sexy at talented siya? "'rsquo;Di ko tanggap, wala eh. Kung meron eh 'lsquo;di meron, nandiyan lang 'lsquo;yan. Kahit nga kilig-kilig wala eh. Darating din 'lsquo;yan, kapag meron, isisigaw ko sa inyong lahat na may boyfriend na ako," natatawang sagot ng aktres.