• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo on Bea Alonzo: Nasa proseso pa rin ako ng panunuyo

Zanjoe Marudo on Bea Alonzo: Nasa proseso pa rin ako ng panunuyo

The actor reveals small details of his Valentine's Day date with Bea.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/18/2011 11:55 AM
Zanjoe Marudo on Bea Alonzo: Nasa proseso pa rin ako ng panunuyo


Hanggang ngayon ay marami ang curious at nagtatanong kung ano na ba ang real status nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Sa panayam kasi ni Zanjoe last week ay inamin ng aktor na nililigawan pa rin niya si Bea.

Nag-date daw sina Zanjoe at Bea noong Valentine'rsquo;s Day, paano kaya ito ipinagdiwang ng dalawa? "Simple lang naman, kumain sa pinggan," pabirong bungad ni Zanjoe. "Nandun siyempre yung bulaklak, tapos nag-dinner, ganun, simple lang," kuwento ng aktor.

Ayon kay Zanjoe ay sobrang espesyal daw ng Valentine'rsquo;s date nila ni Bea. "Sobrang ayoko nang i-share sana, para sa akin ay hindi siya ordinaryong araw. Hindi siya ordinaryong okasyon na ginagawa ko sa sobrang espesyal niya, gusto ko siyang itago sa akin na lang," pakiusap ni Zanjoe.

Napasagot na kaya ng binata si Bea since very special ang kanilang naging Valentine'rsquo;s date? "Nakalimutan ko nga magtanong, hindi pa, kumbaga ay nasa proseso pa rin ako ng panunuyo," natatawang pahayag ng aktor.

Samantala, isang bagong proyekto ang kinabibilangan ngayon ni Zanjoe dahil nagtapos na ang teleserye nilang Kristine kamakailan. Magbibida siya sa seryeng Hiyas na sinisimulan na ngayon. Masayang-masaya ang aktor dahil maganda ang role niya sa nasabing project at personal choice din daw siya ng producers para gumanap sa serye. "Nakakatuwa tsaka ang sarap ng pakiramdam na ganun yung naririnig mo, na noong binubuo nila yung proyekto ang unang pumasok sa isip nila ay ako yung character na gaganap so parang hindi ko naman naisip na pwedeng mangyari yung ganung mga bagay," dagdag pa ni Zanjoe.

Makakasama ni Zanjoe sa seryeng Hiyas sina Joross Gamboa, John Arcilla, Noni'nbsp; Buencamino, Kristel Moreno, Neri Naig at ang pinakabago niyang leading lady na si Megan Young. "Na-excite ako kasi bago. Ngayon ko lang siya makaka-trabaho, ngayon ko makikita kung bagay ba kami o maganda yung tatakbuhin ng pagpa-partner namin," pagtatapos ni Zanjoe.