Toni Gonzaga reacts to demolition job against her

Toni says she is also just human and knows she can't please everybody.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/19/2011 2:20 AM
Toni Gonzaga reacts to demolition job against her


Kamakailan ay may lumabas na mga balita tungkol kay Toni Gonzaga sa diumano'rsquo;y pang-iisnab sa mga fans na gustong magpa-picture na kasama siya. Nangyari raw ang insidenteng ito sa isang mall show ng dalaga sa Antipolo. Ngayon ay may isyung ibo-boycott na raw ng mga taga-Antipolo ang lahat ng projects ni Toni dahil sa pangyayari. Maituturing kaya na isang demolition job ang isinasagawa ngayon ng ilan para pabagsakin ang namamayagpag na career ni Toni? "Wala, any artista naman siguro dumadaan sa ganito. Nagkakaroon ng negative writeups, bad writeups. It'rsquo;s a matter of how you deal with it," bungad ni Toni.

May isyu rin na marami na raw insidente ang nagpapatunay sa pagiging rough diumano ni Toni sa kanyang mga fans na nanonood ng mga shows niya sa iba'rsquo;t ibang lugar dito sa Pilipinas. Maging ang mga Pinoy fans daw na nasa ibang bansa ay nagrereklamo na rin sa pagiging suplada at maldita ng aktres. "Ang lagi ko namang iniisip, di naman natin mapi-please talaga. Kahit pilitin natin i-accommodate lahat, mayroon at mayroon talagang masasabi yung tao at di natin control iyon. Mahirap din naman na mag-defend nang mag-defend sa sarili ko. Alam ko naman talaga kung ano ang totoo. Alam ko sa puso ko kung ano yung ginawa ko. Hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko. Kasi ang mga tao naman kung may sasabihin sila against you, talagang 'lsquo;di mo sila mapipigil," seryosong pahayag ng aktres.

Samantala, masayang-masaya si Toni sa katatapos lamang na Valentine'rsquo;s date nila ni Direk Paul Soriano. Paano ba sila nag-celebrate? "After Happy Yipee Yehey, may work si Direk, nag-wait lang ako sa Shangri-la mall. Nag-pickup ako ng mga sponsors ko, tapos nag-dinner kami. Ginive niya naman ako ng slippers, pang-Happy Yipee Yehey daw. Gift ko sa kanya, give ko siya ng I-pad kasi ginift niya rin sa akin iyon. Ganun pala yun, kapag apat na taon na kayo, mahirap na kayo mag-gift, so give ko siya ng I-pad," nakangiting kuwento pa ni Toni.