Toni Gonzaga is excited to learn from Eugene Domingo

The actress is definitely happy to be working on a new movie with comedienne Eugene Domingo.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/18/2011 11:57 AM
Toni Gonzaga is excited to learn from Eugene Domingo


Muling magsasama sa isang pelikula sina Toni Gonzaga at Eugene Domingo. Isang comedy film ang niluluto ng Star Cinema ngayon para sa dalawa. Matatandaang huling nagkasama sina Toni at Eugene sa movie hit na You Are The One. Ngayon pa lamang ay tiyak nang inaabangan ng kanilang fans ang pelikulang gagawin ng dalawa.

Sobrang excited na rin sina Toni at Eugene for their movie project. "Alam ko kung gaano kahusay si Ate Uge. I'rsquo;m really excited na marami akong matututunan sa kanya," bungad ni Toni. "Nakakatuwa na after ilang years magkakasama ulit kami ni Toni. Toni Gonzaga, isa sa hinahangaan natin na ang daming kayang gawin at alam mong napakasayang tao. Really looking forward to working with her, being with her," pahayag naman ni Eugene.

Makakasama rin nina Toni at Eugene si Wendell Ramos bilang leading man ni Uge sa pelikula. "I'rsquo;m excited and honored na of course after so many years, nag-work ako sa Star Cinema like yung Sukob and then eto na naman," maikling pahayag ni Wendell.

Looking forward na ngayon pa lang si Direk Joey Reyes na siyang magdi-direk ng nasabing project. "I'rsquo;m having really good vibes that this film is going to be a lot of fun at ang masaya niyan is kahit ang tagal na ka-trabaho ko si Uge, this is the first time na makaka-trabaho ko si Toni Gonzaga," kuwento ni Direk Joey.

Sobrang busy ngayon ni Toni sa telebisyon dahil mula Lunes hanggang Sabado ay mayroon siyang "Happy Yipee Yehey", "ASAP" at "The Buzz" naman tuwing Linggo. Ano kaya ang reaksyon ng kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano sa kanyang pagiging busy sa telebisyon? "Oh! No more time talaga, no more time for me. Hindi'hellip;masaya yun. Alam niya na ito ang gusto kong ginagawa. He'rsquo;s happy and supportive," paliwanag ni Toni.