Sexy actress nagmaldita dahil sa dressing room!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

2/18/2011 8:02 PM
Sexy actress nagmaldita dahil sa dressing room!


Bago ang kwento tungkol dito, eto muna ang disclaimer: Ang dressing room pagmamaldita na ito ay walang kinalaman tungkol sa nauna nang pagmamaldita diumano ng isang magandang aktres sa isang internationally acclaimed singer dahil sa dressing room. Pero mukhang sa kwentong ito na-inspire ang bida sa blind item natin ngayon na sexy actress.

'nbsp;

Okay eto na. Nakakaloka itong sexy actress na may katatapos lang na teleserye, at nag-guest sa isang live variety show. Bago pa magsimula ang show, syempre naka-call na sila ng maaga for the rehearsals and make up. Kasama niya sa room ang mga sikat pang young female stars na ka-join niya sa number. Pero ang ikinagulat ng marami sa staff ng nasabing show, nag-attitude ang sexy actress! Naghahanap ng dressing room niyang sarili, dahil medyo nasisikipan siya room nila. Kaya naman nang makita niya ang isa pang dressing room, na para sa isang grupo ng aspiring singers na guest din sa nasabing programa, eto ang ginawa niya! Binura niya ang name ng grupo ng aspiring singers, na naka-paskil sa pinto! At siya ang nag-occupy dun! Pero sorry na lang siya, hindi siya pinalampas ng isa sa mga bosses ng nasabing show, pinabalik ang aspiring singers dun sa dressing room na kanila naman talaga to begin with.

'nbsp;

Ay ano ba yan bakit nag-maldita si sexy actress? Sino siya? Etong clue : ang apelyido niya ay very common, as in marami siyang ka-apelyido sa showbiz. Ang initial ng apelyido ay G. Yun na o!