Sam Milby speaks up on meeting Anne Curtis new boyfriend

Sam says he was pretty cordial towards Erwann Heusaff.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/19/2011 2:48 AM
Sam Milby speaks up on meeting Anne Curtis new boyfriend


Isa sa mga naging kontrobersiyal na breakups sa showbiz ay ang paghihiwalay nina Sam Milby at Anne Curtis noon. Ngayon ay masaya si Anne sa kanyang rumored boyfriend na si Erwann Heussaff habang si Sam naman ay single pa rin.

Muling nagkita sina Anne at Sam sa birthday party ng stylist na si Liz Uy last week. May lumabas pa na photo na magkakasama sina Sam, Anne at Erwann. Paano kaya ang naging pagkikita for the first time nina Sam at Erwann? "When I was there, wala kaming problema. Nag-hi ako sa kanilang lahat and bro hi. Nothing bad at all fun naman," sagot ni Sam.

Sa pagiging single ni Sam ay hindi raw niya ipinagdiwang ang Valentine'rsquo;s Day. "Hindi siya Valentine'rsquo;s Day para sa akin, ano siya, single awareness day. Hindi naman sad. Masarap talaga na may love life pero sa ngayon, sa kasalukuyan ay wala akong kasintahan. Ginagamit ko bagong words ko, wala akong love life," nakangiting pahayag ng binata.

May balitang binigyan daw ni Sam ng flowers si Bianca Manalo na kasamahan niya sa Happy Yipee Yehey last Valentine'rsquo;s day. "Wala akong binigyan ng flowers to anyone. Sa Happy Yipee Yehey, parang nagpapasa ako ng roses to everyone tapos may natira akong dalawa pagkatapos ng song. Nang nakita ko siyempre si Toni and Mariel, may lovelife so I'rsquo;ll give one to you," kuwento pa ng aktor.