• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu reacts on basketball player Simon Atkins liking her

Kim Chiu reacts on basketball player Simon Atkins liking her

The actress says she hasn't met the basketball star in person just yet.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/16/2011 11:00 AM
Kim Chiu reacts on basketball player Simon Atkins liking her


Mukhang nauuso ngayon ang ligawan sa Twitter dahil last week ay naging kontrobersyal ang palitan ng mensahe nina Phil Younghusband at Angel Locsin sa nasabing social networking site. Inimbitahan kasi ng football player via twitter ang aktres para isang romantic Valentine date at in-entertain naman ni Angel si Phil kaya pinag-usapan ito sa buong showbiz industry.

Isang panibagong athlete naman ngayon ang nag-post sa Twitter ng pangalan ni Kim Chiu with a smiley, ang basketball superstar na si Simon Atkins. Desididong makilala ni Simon ang aktres dahil nakiusap din daw ito sa kaibigan niyang si Josef Elizalde na ipakilala siya kay Kim. Ayon pa kay Simon ay hindi pa naman daw niya ini-invite ang young actress to go out on a date.

Kagabi, sa press launch ng produktong ini-endorse ni Kim ay naikuwento ng aktres na nagkausap na raw sila ni Simon sa telepono for the first time. "Actually ay hindi ko siya (Simon) kilala. Hindi ko alam, sinearch ko lang siya sa Google. Tapos yung isang friend niya, pinakausap siya sa akin. Sandali lang kasi may ginagawa rin ako. Sabi ko, bakit ko siya kakausapin eh hindi ko siya kilala," natatawang pahayag ni Kim.

Ano kaya ang posibleng gawin ng aktres kung sakaling imbitahin siya ni Simon para sa isang date? "Di ko pa alam, depende," maikling sagot ni Kim.

Paano kung seryoso na ang basketball player sa gagawin nitong panliligaw sa kanya? Handa na kaya si Kim na muling pumasok sa isang bagong relasyon? Si Simon na kaya ang papalit kay Gerald Anderson sa puso niya? "Hindi muna, hindi ko alam. Yung pagmamahal, yung boyfriend, darating at darating din iyan. Hindi hinahanap 'lsquo;yan. Darating na kusa iyan nang hindi mo sinasadya," paglilinaw pa ng young actress.