• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz shares his Valentines date with Shaina Magdayao

John Lloyd Cruz shares his Valentines date with Shaina Magdayao

The actor says he gave his girlfriend her favorite flowers a day before Valentine's.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/16/2011 9:06 PM
John Lloyd Cruz shares his Valentines date with Shaina Magdayao


Last week ay madalas tanungin ang showbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao kung paano nila ise-celebrate ang Valentine'rsquo;s Day, pero wala pa raw silang concrete plans para dito. Kahapon sa isang pictorial ay naikuwento ni John Lloyd kung paano sila nag-celebrate ni Shaina ng kanilang first ever Valentine'rsquo;s Day as a couple. "Kami ni Shaina, we celebrated Valentine'rsquo;s Day noong Sunday, the day before. After work, sinundo ko siya and we went to church, nanood ng sine and then kumain kami sa labas. Very simple pero ganun, kung paano namin ginusto. Napaka-simple lang pero normal lang, para kaming normal na tao," kuwento ni John Lloyd. Binigyan daw ng aktor si Shaina ng paborito nitong bulaklak na Tulips. 'nbsp;

Nasa Imortal taping daw si John Lloyd noong mismong Valentine'rsquo;s Day at naikuwento rin ng aktor na marami raw natanggap na bulaklak ang kanyang leading lady sa serye na si Angel Locsin. "We celebrated Valentine'rsquo;s Day, kasama ang cast ng Imortal and our staff and crew pero wala naman sa set namin, may ilang nagbigay ng chocolates. Si Angel, balita ko maraming natanggap ng flowers," pagde-detalye pa ng binata.

Hindi raw kataka-takang maraming lalaki ang nagpaparamdam kay Angel ngayon dahil bukod sa maganda na ay mabait pa ang aktres. "I'rsquo;m sure maraming lalaking naiinggit sa akin ngayon, kaya if you want to do business with me para mapalapit kay Angel, okay lang naman sa akin," nakangiting pahayag ni Lloydie.