• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta talks about Piolo Pascual and Baby Miguel, the new men in her family

Sharon Cuneta talks about Piolo Pascual and Baby Miguel, the new men in her family

The Megastar shares her joy on her daughter finding a good man and having a new bunso in the family.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/15/2011 12:06 PM
Sharon Cuneta talks about Piolo Pascual and Baby Miguel, the new men in her family


Masaya si Megastar Sharon Cuneta sa ginawang pag-amin nina Piolo Pascual at KC Concepcion tungkol sa kanilang tunay na relasyon kamakailan. Noong una ay na-sorpresa raw si Mega pero natutuwa siya dahil very responsible naman daw talaga ang dalawa.

Natutuwa si Mega na si Piolo ang karelasyon ng kanyang anak at very welcome daw si Piolo sa buong pamilya ni Ate Shawie. "Piolo, he'rsquo;s welcome. He'rsquo;s part of our family in a way kahit hindi officially. Ang pakiusap ko lang, PJ, she was my princess before she became yours and she will always be, and I love her to death. Please just love her and then we will love you," pakiusap ng Megastar sa aktor.

"My wish for them is that huwag nila masyadong iisipin ang lahat ng opinion ng mga tao, ke napakaganda o hindi maganda. Hindi nawawala sa showbiz 'lsquo;yun. I want them both to be happy. They have my full support," dagdag pa ni Sharon.

Samantala, naikuwento rin ng megastar na malapit na raw maayos ang adoption papers ng kanyang baby boy na si Miguel. Sobrang happiness daw ang naibibigay ni Baby Miguel sa kanya at sa kanilang buong pamilya. "Na-submit na namin yung aming application na gusto naming maging parents niya. Talagang we went through the legal process na walang pandaraya, so we just want him very much in our lives. Si Miguel ngayon ang love ko eh, I'rsquo;m so in love with Miguel. Walang ginawa kundi magsabi ng Mama, mama, mama. Kiss nang kiss," nakangiting kuwento pa ni Ate Shawie.