• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto and Bea Alonzo excited to work together is Star Cinemas newest offering

Vic Sotto and Bea Alonzo excited to work together is Star Cinemas newest offering

It will be the first time the comedian will be working with the actress and both are looking forward to start filming.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/14/2011 11:13 PM
Vic Sotto and Bea Alonzo excited to work together is Star Cinemas newest offering


Isang higanteng pelikula ang niluluto ngayon ng Star Cinema at last Saturday ay nagkaroon na ng isang cast meeting para sa movie project na pagsasamahan nina Vic Sotto at Bea Alonzo. Present sa nasabing meeting sina Vic at Bea bilang mga pangunahing bida ng pelikula. Masayang-masaya ni Bossing Vic dahil muli siyang gagawa ng project with Star Cinema. "Star Cinema offered a very nice project. Hindi ako nahirapang mag-desisyon, readily I accepted it kasi I really liked the project. Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakapag-trabaho sa Star Cinema so it'rsquo;s nice to be back," pahayag ni Vic.

Ito ang kauna-unahang project na pagsasamahan nina Vic at Bea kaya ngayon pa lamang ay very excited na rin ang aktres to work with Bossing. "Sabi ko nga parang last project ko na ito. Lahat na lang ng pangarap ko maka-trabaho ay nakaka-trabaho ko. It'rsquo;s such an honor na maka-trabaho ko siya," nakangiting pahayag naman ni Bea.

Inamin ni Vic na first time niyang makita at makausap si Bea ng personal. Ano kaya ang first impression niya sa aktres? "Saksakan! Ubod nang saksakan," natatawang sagot ni Bossing. "Ngayon lang kami nagkakilala at mukhang mabait naman siya. Dati ay sa TV ko lang siya napapanood, sa pelikula," kuwento pa ng aktor.

Makakasama rin nina Bea at Vic sa kanilang pelikula ang ilan pang kapamilya stars like Pokwang, Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat. Siguradong magugustuhan ng bawat pamilyang Pilipino ang pelikulang ito na kanilang gagawin, kaya ngayon pa lamang ay sobrang excitement na rin ang nararamdaman ni Vic. "I'rsquo;m really looking forward to work with them. I think it'rsquo;s gonna be a fun movie, I'rsquo;m looking forward to working with these guys, masaya," pagtatapos pa ni Bossing Vic.