• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta is furious at Hayden Khos statements about her billboard

Sharon Cuneta is furious at Hayden Khos statements about her billboard

The Megastar says she is often seen on TV so she has no reason to have her pictures edited.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/13/2011 11:33 PM
Sharon Cuneta is furious at Hayden Khos statements about her billboard


Nagsalita na sa The Buzz kahapon si Sharon Cuneta at nilinaw ang tungkol sa isyung may kinalaman sa diumano'rsquo;y pagiging malayo ng tunay na pigura niya sa sexy billboard niya ng slimming center. "Kaya siguro nagkaroon ng maraming reaction (because) it'rsquo;s a big business ang beauty business, slimming business. Mga hundreds of millions ang pinag-uusapan," paliwanag ni Megastar.

Nilinaw rin ng actress-host na walang daya ang nasabing billboard. "Lahat ng billboards na nakikita n'rsquo;yo, before and after, 'lsquo;yung nasa billboard, na nasa dyaryo at 'lsquo;yung mga hindi pa lumalabas, iisang pictorial lang po 'lsquo;yon," paniniyak niya.'nbsp; "I can assure you and as God is my witness those pictures were not altered to make me look thinner than I was that time."

Depensa pa ni Sharon madalas siyang makita sa telebisyon at pagkatapos ay laging nakikita ang kanyang billboard. "Sino naman ang magmumukhang tanga doon? Ako 'lsquo;di ba at ang Marie France?" pagtukoy ni Sharon sa controversial billboard niya.

Sabi pa niya, may kakayahan siyang hindian ang mga endorsement offers kung gugustuhin niya.'nbsp; "Ang pinapatulan ko 'lsquo;yung hindi ako mapapahiya sa consumers, lalo na sa supporters ko at fans ko. I have to believe in it. " Gaya ng kanyang latest endorsement, matagal nang nasa industriya si Sharon at hindi niya hahayaang masira ang inalagaang pangalan.

Pinatamaan din ni Sharon si Hayden Kho na matapos mag-tweet ng message na nakatatawa raw ang mga "deceiving billboards" pero hindi pinangalanan kung kaninong billboard ito. Matapos mag-react ni Sharon ay sinabi naman ni Hayden na ang pinapatamaan niya ay ang billboard ni Joel Cruz. "'rsquo;Yung billboard (ni Joel) na pinatatamaan ay July 2010 pa, bakit pitong buwan bago ka nag-react?" buwelta ni Mega. 'nbsp;

Sa nasabing interview rin ay hindi napigilan ni Sharon na magsalita hinggil sa dating controversial issue about sex videos ni Hayden. Matatandaang lumabas din noon ang isyung may video rin umano sila ni KC Concepcion pero nanatiling tahimik si Sharon. "Lalong sumama ang loob ko dahil pati pangalan ng anak ko nadadawit. Once and for all, masabi ko dahil nadadawit sa isyu na 'lsquo;yon 'lsquo;yung videos na 'lsquo;yon. Once lang nakita ni KC ever ang taong yan, dito pa sa The Buzz. Once lang 'lsquo;yan."

Hindi rin tinanggap ni Sharon ang sagot ni Hayden sa kanyang Twitter account na sinabi niyang ikinagulat niya ang reaction ni Sharon dahil nirerespeto niya ito. "Going back to KC, if he respects me so much bakit nadamay ang pangalan ng anak ko do'n? I think at that time lagi niyang tine-text ang anak ko," pagbubunyag niya.

Iniugnay rin ni Sharon na ang ginawa ni Hayden ay maaaring may kinalaman sa cosmetic company ng kanyang girlfriend na si Dra. Vicki Belo na competitor ng iniendorso niyang Marie France.'nbsp; "Napaka-successful naman (ng business ni Belo and which) is a competitor like any slimming business, parang ang nangyayari sinisiraan mo ba kami dahil meron kayong kumpanya rin?" ani Sharon.'nbsp; Sa huli, sinabi ng aktres na siya ay nagtatrabaho lamang at walang balak makipag-away kahit kanino.

Meantime, sinabi naman ni Mega na ikinagulat niya ang pag-amin ni Piolo Pascual a relasyon nila ni KC just recently. Gayunpaman natutuwa siya sa dalawa dahil sila ay responsable. "My daughter is hindi naman kung saan-saan pinulot 'lsquo;yan. She is very