Robin Padilla on Mariel Rodriguezs TV comeback

The action star is very happy about Mariel and Toni's renewed friendship.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/13/2011 11:40 PM
Robin Padilla on Mariel Rodriguezs TV comeback


Nung Sabado ay nagsimula nang magpasaya sa bawat pamilyang Pilipino ang Happy Yipee Yehey. Tamang-tama ang timpla ng bagong kombinasyon ng hosts ng nasabing noon time show. Sina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, John Estrada at Randy Santiago ang apat na main hosts ng programa. Kasama rin sina Sam Milby, Matteo Guidicelli, Melai Cantiveros, Bianca Manalo, John Prats, Bentong at Jobert Austria.

Nakatutuwa dahil nangyari na ang pinaka-aabangang pagbabalik ni Mariel sa telebisyon. Pinakilig din nina Mariel at Robin Padilla ang lahat ng fans sa kanilang sweet na sweet na song number. Ngayon ay may isyu na hindi raw pabor si Robin sa muling pagbabalik ng kanyang asawa sa telebisyon. Totoo ba ito Binoe? "Ang katunayan niyan, ang gusto ni Mariel talaga sa bahay na lang, hindi dahil sa tinanggihan niya yung show noong una, kundi gusto niya ibigay yung buong sarili niya sa akin sa pag-aalaga, pero siyempre noong nag-usap kami, sabi ko nasa prime ka eh kailangan. Natuto na ako eh, mas maganda yung busy ka, nagtutulungan tayo. Kaya naiyak iyan (Mariel) kasi pinipilit ko siya talaga, sayang eh, sayang yung panahon," kuwento ni Robin.

Sobrang natuwa ang aktor nang muli niyang mapanood si Mariel na nagpe-perform. "Ito siguro yung pinakamagandang regalo sa aming dalawa, yung makita ko ulit siya sa entablado. Pinapanood ko siya ulit, nakikita ko uli yung Mariel na minahal ko, hinabol-habol ko," dagdag pa ni Binoe.

Masayang-masaya rin si Robin sa nangyaring pagkakaayos nina Mariel at Toni Gonzaga na nagkaroon ng tampuhan kamakailan. "Ako ang pinakamasaya sa pangyayari na 'lsquo;yan, kasi katulad nga ng maraming pagkakataon, kilala ko yung pagmamahalan nilang dalawa bilang magkaibigan. Ako yung unang nalungkot noon, di naman galing sa kanila yung alingasngas na iyon. Sana yung dasal ko lang yung magkaroon sila ng pelikula," pahayag ni Robin.

Ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang kung matutuloy pa ba ang plano ng mag-asawa na magpakasal sa simbahan. "Hindi mawawala 'lsquo;yun, laging nandoon 'lsquo;yun, pero siyempre marami kaming dapat na asikasuhin bago iyon. Personal, papeles, madali kasi 'lsquo;yun eh. Madaling magpakasal, ang importante kapag ginawa namin yun ay yung talagang wala nang eskandalo, ayaw namin 'lsquo;yun eh," paliwanag pa ng aktor.

Isang simpleng celebration ang pina-plano ni Robin ngayong Valentine'rsquo;s day kasama si Mariel at ang kanyang mga anak. "Siguro ay manonood kami ng sine. Matagal-tagal na rin na hindi kami nanonood ng sine. Magdi-dinner kami, tatawagan namin yung mga bata. Magsasama-sama kami," pagtatapos pa ni Binoe.