• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino did not invite James Yap on her 40th birthday celebration

Kris Aquino did not invite James Yap on her 40th birthday celebration

The Queen of All Media says her wish for her 40th birthday is 'freedom' from her marriage to James Yap.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/13/2011 11:46 PM
Kris Aquino did not invite James Yap on her 40th birthday celebration


Sa ginanap na 40th birthday celebration kamakailan ni Kris Aquino ay dumagsa ang naglalakihang mga pulitiko, Kapamilya artists at gayundin ang mga ABS-CBN executives sa kanyang party. Gayunpaman ang nakatawag pansin sa kanyang mga naging bisita ay si Makati Mayor Junjun Binay na minsan nang naiugnay sa controversial game show host. Pero noong Sabado ng umaga pa lamang ay sinabi na ni Kris na huwag na silang intrigahin. "Walang meaning. Inuunahan ko na kung sino po mapapanood ninyo na makikidasal, gusto lang pong makadasal ang pamilya ko at inuulit ko po please, huwag n'rsquo;yo pong bigyan ng malisya at baka 'lsquo;yung mag-attend do'rsquo;n baka hindi na ulit makidasal sa 'lsquo;kin," nangingiting pahayag ni Kris sa kanyang gift-giving at medical mission sa hometown niya ng Tarlac noong February 12, Sabado.

Kapansin-pansin naman na wala ang estranged husband niyang si James Yap sa celebration niya at inamin ni Kris na hindi na niya inimbita ito. "Hindi ko na in-invite si James kasi magkaka-awkward situation. Iwi-wish ko na lang ang sarili ko at ipagdarasal ko na lang siya kasi nga 'lsquo;yun ang bago kong adhikain, ang magdasal nang magdasal."

Ibinahagi rin ng Queen of Talk na binigyan siya ng gift ni Ted Failon na na-link din sa kanya at inilahad pa niya ang mensahe sa birthday card nito na 'lsquo;life begins at 40 so live, laugh and love.'rsquo;'nbsp; "Kaya ia-attempt kong gawin, live life to the fullest, laugh as much as I can and love after annulment," natutuwang kuwento ni Kris.

Kalayaan naman ang birthday wish ni Kris para sa kanyang birthday na tumatama rin ng Valentine'rsquo;s day. "I want freedom, gusto ko na legally matapos na lahat para maging malaya na kami ni James (at) pareho at makahanap kami ng kaligayahan na hindi namin naibigay sa isa'rsquo;t isa."