• Home
  • Fresh Scoops
  • John Prats and Rachelle Ann Go share how they will spend Valentines Day

John Prats and Rachelle Ann Go share how they will spend Valentines Day

The couple is very happy that their families approve of their relationship.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/13/2011 11:16 PM
John Prats and Rachelle Ann Go share how they will spend Valentines Day


Late last year ay nagsimulang kumalat ang balitang madalas daw makitang magkasama sa mga events sina John Prats at Rachelle Ann Go. Marami tuloy ang nagtatanong noon kung sila na ba ang magka-relasyon. Hindi naman nag-deny ang dalawa at umamin na madalas nga raw silang lumabas na magkasama.

Hindi nagtagal ay inamin na rin nina John at Rachelle Ann na masaya at very proud sila sa kanilang relasyon. Tanggap na tanggap ng mga pamilya nila ang isa'rsquo;t isa. Katunayan ay nakatakdang magbakasyon at mag-spend ng Valentine'rsquo;s Day sa Singapore si Rachelle Ann kasama ang buong pamilya ni John. Sa Singapore na rin nila ise-celebrate ang birthday ni John sa February 14. Hindi makakasama'nbsp; ang aktor dahil kasama siya sa bagong noon time show na Happy Yipee Yehey. "Dapat magbabakasyon kasama ang pamilya kaso siyempre kasama rin siya (John), kaso mukhang meron ngang trabaho na pumasok nito lang," pahayag ni Rachelle Ann.

"Punta sila (Pamilya ni John) sa Singapore kasama si Shin (Nickname ni Rachelle Anne). Supposedly dapat kasama ako pero may blessing namang dumating which is itong bagong show," pahayag naman ni John.

Wala naman daw magiging problema dahil very welcome daw si Rachelle Anne sa pamilya ng aktor at welcome din si John sa pamilya ng singer. "Napakabait ni Shin, wala namang hihindian si mommy sa kanya or ayaw na ugali niya kaya welcome siya at nararamdaman kong welcome ako sa family niya," dagdag pa ng John.

Ngayong seryosohan na talaga ang relasyon ng dalawa, posible ba na humantong na ito sa isang kasalan? "Gusto ko na siya, dapat talaga. Wala siyang choice," natatawang sagot ni John. "Dapat ganun naman talaga yung thinking natin. Di naman laro kasi dapat seryoso sa lahat ng bagay," sagot naman ni Rachelle Ann.