• Home
  • Fresh Scoops
  • John Estrada reveals some details of his upcoming wedding to Priscilla Meirelles

John Estrada reveals some details of his upcoming wedding to Priscilla Meirelles

John is very excited about his kids participation in his wedding to Priscilla.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/12/2011 2:46 AM
John Estrada reveals some details of his upcoming wedding to Priscilla Meirelles


Sobrang pinaghahandaan na ngayon nina John Estrada at Priscilla Meirelles ang kanilang garden wedding na gaganapin sa Thunderbird Resort sa La Union on February 26. Exclusive na mapapanood sa Kapamilya network ang coverage ng kasal ng dalawa. "Di pa namin napapag-usapan kung kailan ipapalabas pero yes, exclusive sa ABS-CBN. Nakaka-stress din pala ang pag-aayos ng wedding pero masaya dahil kasama ko si Priscilla," pahayag ni John.

Magiging bahagi ng wedding entourage nina John at Priscilla ang ilan sa mga taong malapit sa kanila. "Sa ABS-CBN of course si Tita Cory Vidanes, Mr. M, Ms. Kris Aquino, parang inspirational message sa amin at bible siya. Nandiyan si Lorna Tolentino, Randy Santiago, Anjo Yllana, Aiai Delas Alas, tapos Sharon Cuneta tapos Gabby. Yung best man ko dalawa, si Willie at si Richard," pagde-detalye pa ni John.

Very special din ang participation ng mga anak nina Janice De Belen at John sa kasalang ito. "Yung tatlong Maria ko, three daughters will be part of bridesmaids tapos yung anak kong lalaki, junior best man 'lsquo;yun," dagdag pa ni John. Hindi rin daw muna matutuloy ang plano ng mommy ni Priscilla na ipakasal ang dalawa sa Brazil dahil sa bagong noon time show na gagawin ng aktor.

Saan naman kaya ang pina-planong honeymoon nina John at Priscilla after their garden wedding? "Okay na yun, matagal naman kami nag-honeymoon. Hindi importante yun, ang importante kasal kami, nagmamahalan kami. Mga taong mahal din kami, yun ang importante," pagtatapos ni John.