• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin and Phil Younghusbands tweets cause a stir in online world

Angel Locsin and Phil Younghusbands tweets cause a stir in online world

Many are curious if Phil Younghusband and Angel Locsin's 'date' will push through.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/11/2011 1:43 PM
Angel Locsin and Phil Younghusbands tweets cause a stir in online world


Mainit na pinag-usapan ang pagkapanalo ng Philippine Football Team na Azkals laban sa team Mongolia noong Miyerkules. Kahapon, ang star player ng team na si Phil Younghusband ang naging sentro ng balita dahil ginulat nito ang lahat nang mag-post ng message sa twitter para kay Angel Locsin. Niyaya ni Phil na maka-date si Angel sa darating na Valentine'rsquo;s day. Narito ang eksaktong mensahe ni Phil para kay Angel. "Hi Angel! This Phil. How are you? I was just wondering if you are free for Valentine'rsquo;s day?"

Sinagot din agad sa twitter ng aktres ang imbitasyon ng binata sa kanya. Ayon kay Angel ay mayroon daw siyang trabaho sa Valentine'rsquo;s day pero very open naman daw ang dalaga na matuloy ang kanilang date sa ibang araw kapag maluwag na ang kanyang schedule. Ito naman ang eksaktong sagot ni Angel kay Phil. "Hi! This is Angel Congrats on your win last night! Tnx for the invite but I have work on Valentines..Let'rsquo;s try another day " Nagulat at natuwa si Phil dahil sa pagsagot ni Angel sa kanyang imbistasyon.

Matatandaang inamin ni Phil kamakailan na isa si Angel sa mga crushes niya sa showbiz, nabanggit din ng binata na apat na taon na rin siyang loveless tuwing Valentines. Ngayon ay pina-follow na nina Angel at Phil ang isa'rsquo; isa sa twitter kaya posibleng nagpapalitan na rin sila ng direct messages. Saan kaya hahantong ang imbistasyon ni Phil kay Angel at Kailan kaya matutuloy ang much-awaited date ng dalawa? Posible na magkagustuhan ang dalawa since pareho naman silang single sa ngayon.