• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual is looking forward to seeing KC Concepcion on his Valentine concert

Piolo Pascual is looking forward to seeing KC Concepcion on his Valentine concert

Piolo is very excited for his new projects after Noah.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/10/2011 8:05 PM
Piolo Pascual is looking forward to seeing KC Concepcion on his Valentine concert


Noong isang linggo ay naging successful ang pagtatapos ng teleseryeng Noah dahil sa magandang feedback sa programa.'nbsp; Sa ngayon ay pahinga muna si Piolo Pascual sa paggawa ng teleserye, pero mayroon ibang pinagkaka-abalahan ang aktor ngayon. Pinaghahandaan ni Piolo ang kanyang series of shows na gagawin sa Amerika. "Punta muna ako sa States, magtu-tour ako. I'rsquo;m doing six shows in March, puro America lang," bungad ni Piolo.

Bukod sa concert tour abroad ay dalawang pelikula rin ang susunod na gagawin Piolo at sa America rin daw kununan ang isa dito. "I'rsquo;m doing a movie while I'rsquo;m there. Pagbalik ko ay simulan ko yung movie dito by April. Di pa napa-finalize yung casting. Malalaman natin, wala pa kaming artista. Wala pa yung final concept kung sino at ano ang istorya. But I'rsquo;m still looking forward to working with Kim Chiu because nakakasa na yun eh kumbaga," pahayag pa ng aktor. Magsisimula na rin daw gawin by April or May ang Bagong TV show ni Piolo.

Looking forward ngayon si Piolo sa pagdating ni KC Concepcion sa kanyang Valentine Concert na gaganapin sa PICC on February 14. "I'rsquo;m so excited, we wanted to get her as a guest kaso nga siyempre she opted to just watch, being in the audience, and I think it'rsquo;s sweeter because hindi trabaho. She'rsquo;s just really there to watch," pagtatapos pa ng aktor.