Bea Alonzo shares her new discoveries about Robin Padilla

Bea says she has gotten past being intimidated by the handsome action star.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/11/2011 7:45 AM
Bea Alonzo shares her new discoveries about Robin Padilla


Noong hindi pa nagsisimulang mag-taping ang teleseryeng Guns and Roses ay inamin ni Bea Alonzo na kinakabahan siyang maka-trabaho ang bago niyang leading man na si Robin Padilla. First ever team up kasi ito ng dalawa kaya talagang kinabahan si Bea noong una. Ngayon ay ilang beses nang nagkasama sina Bea at Robin sa taping ng nasabing serye kaya na-overcome na raw ng aktres ang takot at kaba niya kay Robin. "Hindi na ako intimidated sa kanya. I'rsquo;m really comfortable now. Mapagbiro rin pala siya na hindi pala ganun kaseryosong tao na nakakabiruan ko rin siya," kuwento ni Bea.

May mga bulung-bulungan na sumasama raw si Mariel Rodriguez kay Robin sa taping para bantayan ang kanyang asawa. Ano kaya ang masasabi ni Bea sa isyung ito? "Hindi ko pa naman siya (Mariel) nakikita. Hindi ko po alam," maikling sagot ng dalaga.

Samantala, masayang-masaya si Bea nang malaman nito na nakatanggap ng international recognition ang natapos niyang serye na Magkaribal, nominado ito sa New York Television Festival ngayong taon. "I'rsquo;m happy to hear that. I'rsquo;m really proud of Magkaribal, and gusto ko rin i-congratulate ang Dahil May Isang Ikaw for being also a nominee," pahayag pa ng aktres.

Very excited na ngayon si Bea sa pag-attend ng awards night for New York Television Festival na gagawin daw sa Las Vegas ngayong April. Looking forward din siyang makasama si Gretchen Barretto sa nasabing awards night. "I hope so, with everyone kung pwede especially with ate Gretchen because I'rsquo;m dying to travel with her," pagtatapos pa ni Bea.

Tuwang-tuwa rin si Gretchen sa nabalitaan nito tungkol sa "Magkaribal". Isang text message ang ipinadala ng aktres nang makarating sa kanya ang ang good news. "Yipee! To God be the glory," maikling mensahe ni La Greta.