Enchong Dee and Kim Chiu, dating?

After rumors of dating Bianca Manalo, Enchong Dee is now said to have become more than a friend to Kim Chiu.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/1/2011 11:05 AM
Enchong Dee and Kim Chiu, dating?


Noong isang linggo ay isang makahulugang statement ang ibinigay ni Erich Gonzales tungkol sa nililigawan diumano ni Enchong Dee. "Meron siyang ina-eye daw sa showbiz 'lsquo;di ba pero siya na lang ang tanungin n'rsquo;yo," nakangiting pahayag ni Erich. Marami ang nagulat at na-curious sa nasabi ni Erich, at ang babaeng tinutukoy daw ni Erich ay si Kim Chiu.

Ayon sa ilang source, kamakailan ay nakita raw na magka-date sina Enchong at Kim, mayroon pa nga raw regalong ibinigay ang binata kay Kim noon. "Ang intindi ko kasi ng date, kayong dalawa lang, sweet kayo. Salungat naman 'lsquo;yon sa nakakita. May ibinigay lang ako sa kanya," bungad ni Enchong.

Ano kaya ang special gift na ibinigay ni Enchong sa dalaga? "Huwag na muna. Pass na muna. May pinabili kasi siya sa akin, ibinigay ko lang sa kanya. Kasi after mag-reformat ng Shoutout, nagkaroon ako ng break for three days. Nagpunta ako ng Hong Kong muna, tapos 'lsquo;yun, pasalubong," nakangiting kuwento pa ni Enchong.

Nagpadala rin ng isang text message si Kim para linawin ang isyu tungkol sa kanila ni Enchong. "May ganun? Hahaha, hindi po kami nag-date. Nag-dinner lang po ako dun, kasama ko yung P.A. ko tsaka make-up artist. Galing kaming taping tapos dinaan niya lang yung pasalubong niya sa akin kasi nasa area lang daw siya. 'lsquo;Yun lang po," reaksyon ni Kim.

Nanliligaw na nga ba si Enchong kay Kim? Saan ba patutungo ang special friendship ng dalawa? "Siguro ay bigyan n'rsquo;yo ako ng panahon talaga. Di ko rin alam eh, basta next time, next time na lang," natatawang sagot ni Enchong.

Isang rebelasyon naman ang sinabi ni Enchong tungkol kay Erich dahil sa pambubukong ginawa nito sa kanya. "Tutal binuko rin naman ako ni Erich, masasabi ko naman na masaya rin si Erich. Inspired din siya, kaya masayang-masaya ang relationship namin, pareho kaming masaya," makahulugang pagtatapos ng young actor.