Darla's new chika!

Back stage exclusives sa pag-amin ni Piolo sa relasyon nila ni KC!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

2/1/2011 6:04 PM
Darla's new chika!


Buong bayan ay ginulat at pinakilig ni Piolo Pascual nang finally ay aminin niya sa The Buzz na sila na nga ni KC Concepcion. Sa Straight from the Heart segment ni Charlene Gonzalez naganap ang pinakahihintay na pag-amin ng aktor. Aminado si Piolo na ilang interviews na rin ang iniwasan niya, para lang ma-separate ang kanyang personal life sa professional live niya."But I guess I've come to a point na gusto kong magpakatotoo regardless of what people might say, I owe it to the public and I owe it to the person," ang unang statement na binitawan ng aktor na nagpa-excite sa lahat ng nanunuod.

At nang diretsahan siyang tanungin ni Charlene kung sila na ni KC, parang bombang sumabog ang sagot ni Piolo na "YES." Bilang confirmation naman sa hinala ng iba, tama na ang magiging reaction ng anak niyang si Inigo ang isa sa mga kino-consider ni Piolo kaya hindi kaagad siya maka-amin o makapag-commit sa isang relationship. Pino-protektahan lang daw niya ang kanyang anak na 13 years old pa lamang. "But I think I have decided kung anuman ang magiging reaksyon ng anak ko from here, you just have to deal with it.," ang sabi ni Piolo sabay birong para rin daw matigil na yung ibang boys na nagpaparinig kay KC. Dahil para sa kanya raw, si KC na ang nakikita niyang babae na gusto niyang makasama habambuhay.

So sa lahat ng may crush kay KC, Piolo wants you guys to know, "she is taken" na. Bilang story behind their pagiging-officially-mag-on story, September 21 pa hiningi ni Piolo kay KC ang "yes" or "no" na sagot ni KC. Pero hindi pa siya kaagad nasagot ni KC. October 21, nakabalik na from Europe ang tv host saka lamang niya ibinigay kay Piolo ang kanyang "YES". At mula nga noon, officially ay siya na ang "PRINCESS" ni Piolo. At si Piolo, ang "Jaguar" ni KC.

Ang tanong ngayon ng marami, what happened backstage during and after Piolo's interview? To find out, click here to see the exclusive videos and photos!

Kitang-kita sa video na ito ang pagkakagulo backstage nang aminin ni Piolo na sila na ni KC Concepcion. Thank you again Patch, isa sa writers ng The Buzz who helped me capture the moment. Hehehe!