• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes and Rayver Cruz, already talking about marriage?

Cristine Reyes and Rayver Cruz, already talking about marriage?

The couple says they don't care if there are negative opinions about their relationship

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

2/1/2011 3:06 PM
Cristine Reyes and Rayver Cruz, already talking about marriage?


Marami ang nagulat sa ginawang pag-amin nina Cristine Reyes at Rayver Cruz tungkol sa kanilang relasyon kamakailan. Mayroong mga natuwa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng ilan ang relasyon ng dalawa. Masaya naman daw sina Cristine at Rayver kahit marami pa silang detractors. "Open naman yung mind namin na may mga taong di magiging masaya for us. Di lang kami nagpapa-apekto sa mga salita lang. Sa mga nagsasabing hindi kami magtatagal, baka hindi sila masaya sa buhay nila kaya nasasabi nila yung mga bagay na 'lsquo;yun," seryosong pahayag ni Cristine.

Ilang buwan na ring ini-intriga sina Cristine at Rayver sa kanilang relasyon pero ang bulung-bulungan ngayon ay pinag-iipunan na raw ng dalawa ang kanilang dream wedding. "Ilang months pa lang kami. Dream namin 'lsquo;yun pero di pa namin pinaplano ng seryoso, mag-iipon pa ako. Ayokong abutin ng 30, gusto ko ikakasal ako ng 25 or 26," dagdag pa ng aktres.

Samantala, sa susunod na linggo ay magtatapos na ang teleseryeng Kristine. Ayon kay Cristine ay hindi raw dapat palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa kanilang programa. "Nakaka-excite yung mga magaganap sa aming lahat dito. Maraming revelations. Kahit kami ay nag-aabang na rin kung ano ang magaganap sa amin. Thankful ako dahil inilagay nila ako sa Kristine at tinangkilik ng lahat ng tao ang character ni Jewel," kuwento pa ni Cristine.