• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto avoids talking about rumored relationship with Pauleen Luna

Vic Sotto avoids talking about rumored relationship with Pauleen Luna

Vic Sotto was firm about not commenting on his supposed romance with Pauleen Luna.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/10/2011 3:32 AM
Vic Sotto avoids talking about rumored relationship with Pauleen Luna


121011-vic-main.jpgSa recent press conference ng Metro Manila Film Festival entry na Enteng ng Ina Mo, hindi pinalampas ng mga press na tanungin si Vic Sotto tungkol sa napapabalitang may namamagitan umano sa kanila ng kanyang Eat Bulaga co-host na si Pauleen Luna. Simula pa lamang ng press conference ay halatang iwas na si Vic sa issue pero hindi na pinakawalan na hindi natatanong ang isyu.

Matapos kasing mapabalitang naikasal na ang dating girlfriend na si Pia Guanio sa kanyang non-showbiz boyfriend, hindi nagtagal ay nali-link ang veteran comedian-host sa iba-ibang babae kabilang na ang isang dancer na kasama rin sa kanilang afternoon program.

Sa ngayon ay busing-busy si Vic sa pagpo-promote ng kanyang movie with Ai-Ai de las Alas na magiging bahagi ng MMFF Parade. “Ganon pa rin kung anong plano ko last year. Hindi naman nagbabago ‘yun,” sagot niya. Sa tanong kung may nagpapainit ba ng Pasko niya, dinaan ng aktor sa biro ang kanyang sagot. “Maraming nagpapainit. Tuwing pasko natatanong din ako nyan. Magsindi ka ng posporo…

Kung makulay ba ang kanyang love life, pa-safe niyang sagot, “Parating makulay ang aking buhay. Parati akong may inspirasyon. Marami akong inspirasyon. Marami akong love life.”

Nang itanong kung may katotohanan ba ang tsismis sa kanila ni Pauleen, hindi direktang sinagot ni Vic ang issue. “Pauleen Luna has a very important cameo role in this film,” pag-iwas ni Vic. “That’s all there is to it. In Tagalog, hanggang dun lang ang masasabi ko. Mas marami kayong nasasabi kaysa sa akin.

Hindi rin nagpatinag si Vic nang ulitin ang tanong sa kanya at inulit ang unang sagot, indikasyon na ayaw na niyang pag-usapan isyu at mag-pokus na lang sa pelikula. “Si Pauleen Luna has a very important cameo role sa pelikulang ito and in fairness kay Pauleen maganda ang ganap niya dito.”