• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz on Shaina Magdayao: 'Oo naman. Nagkakausap naman kami'

John Lloyd Cruz on Shaina Magdayao: 'Oo naman. Nagkakausap naman kami'

John Lloyd asks for some privacy for the sake of his relationship with Shaina Magdayao.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/10/2011 2:51 AM
John Lloyd Cruz on Shaina Magdayao: 'Oo naman. Nagkakausap naman kami'


121011-jlc-main.jpgSa shooting nga ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin, nakausap ng press si John Lloyd at dito nga ay nagkakwentuhan ng konti tungkol sa bago nilang pelikula at sa reunion nila ng kanyang leading lady na si Angel Locsin, “I am very excited for this movie dahil this is something new for Angel and tema-wise, yung ganitong ka-daring at ganitong tema ng rom-com ‘di ko pa naggagawa so sa ganung aspeto doon ako naeexcite din.

Dahil sa tagal din ng hindi pagsasama ng dalawa matapos ang hit serye nilang Imortal, natanong kung may nagabago ba siya pakikituring nila at pagtingin nila sa isa’t-isa, “Lagi namang relax lang at very comfortable naman kami sa isa’t isa. Wala akong masasabi na problema or something negative about our working relationship.”

Puro puri din ang aktor sa co-star, “Si Angel yung tipo ng tao or katrabaho na sobrang ‘di pretentious kaya napakadali niyang katrabaho. Napaka-professional, kitang kita mo na tuwing pinapanood mo siya na masasabi mo lagi na gustong-gusto niya yung ginagawa niya at talagang binubuhos niya ang lahat kaya I am very happy na ganung klase ang katrabaho mo, mas dumadali, mas sumasarap kaya I'm blessed na si Angel ganun sa pelikulang iyon.”

Marami na rin ang nag-aabang sa pagbabalik telebisyon ni John Lloyd kaya natanong din kung kailan ba siya ulit mapapanood ng mga tagahanga niya sa telebsiyon ngunit ang sabi ni John Lloyd, “Meron pero alam niyo naman ang panahon ngayon hangga’t ‘di pinapalabas hindi ko masabi kung yun na yung final at yun pa naman yung napitch sa akin at di pa final yung casting. Story-wise I don’t think di ko pwedeng sabihin ngayon saka di ko pa talaga alam. Ngayon dito [sa pelikula] ako nakafocus ngayon pati management ko ngayon, pati Star Cinema I think dito lang kami nakafocus muna.”

At nang makamusta na nga sila sa lagay nila ni Shaina Magdayao ngayon kung nakakapag-usap ba sila, “Oo naman, nagkakausap naman kami.” Pero ang dagdag niya, “Sasabihin ko na ‘to at ige-generalize ko na din para mas madali din para sa ating lahat, ayoko munang magbigay ng kung anumang comment or ayoko munang mag-share ng kahit na anong nangyayari at pinagdadaanan namin ngayon. I think mas mabuti na para sa lahat especially para sa amin na kung maari lang na hilingin… sa mga tao na nakaantabay yun lang ang hinihiling ko.

Isang ngiti lang ang isinagot niya nang natanong kung patuloy pa rin ba ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Shaina pero nang matanong kung masaya ba siya sa ngayon, ang tanging sagot ng binata, “Of course!”