Are Guji Lorenzana and Paul Jake Castillo leaving showbiz?

Guji Lorenzana and Paul Jake Castillo talk about their career plans.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/9/2011 9:44 AM
Are Guji Lorenzana and Paul Jake Castillo leaving showbiz?


120911-guji_main.jpgSa isang event nakausap ng Push.com.ph ang magkaibigang Guji Lorenzana at Paul Jake Castillo at dito ay natanong kung ano ang pinagkakaabalahan ng dalawa; “I have something in the works for CCP, bumalik ako sa theater; I’m working on that right now. Music pa rin at meron din akong project sa Indonesia na happening very, very soon. It’s been in the works since March of the past year so wait for that,” ang sagot ni Guji.

At nang mapunta ang usapan sa love life, matatandaang matagal nang very vocal si Guji sa kanyang panghanga at panliligaw sa dating ka-love team na si Kaye Abad at nang matanong nga namin siya kung kamusta na sila, “Ganun pa rin. I am concentrating on work right now. I still like her, alam yun ni Kaye and people know that but right now career muna.” So single pa rin ba? “Very much single!”

Marami na rin ang nakaka-miss sa ex-Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo at ngayon nga ay nagdesisyun na ang binata na manirahan na dito sa Maynila at magtayo ng sariling mga negosyo. Sa estado naman ng kanyang puso, natanong din siya ng ilang mga press people kung totoo bang naging sila ni Sam Pinto, “I have been close naman, ever since after PBB. Actually its been awhile since I last saw her, parang two months na ang nakakaraan.” Itinanggi din nito ang mga balitang nanliligaw ito sa dalaga, “No, we just go out a lot!”
 
At napag-uusapan na nga rin ang PBB at ngayon ngang nagbukas na muli ang bahay ni Kuya, willing ba siya ulit bumalik? “Why not? Yes, papasok ulit!

May manok ka na ba kung sino para sa iyo ang gusto mong manalo? “Wala naman. Too early to say that. Kahit yung mga Cebuanos na kilala ko, I don’t root for anyone. Basta lang lahat sila nagpapakatotoo, we hate people naman who are not themselves ‘di ba?

At sa estado nila ngayon, natanong namin ang dalawang binata kung magpapatuloy pa ba sila sa showbiz, ang parehong sagot ng dalawa, “You know whatever comes we’ll keep accepting it!”