• Home
  • Fresh Scoops
  • Thou Reyes thankful for possible international opportunities because of the Kitchen Musical

Thou Reyes thankful for possible international opportunities because of the Kitchen Musical

The actor says the musical-drama is his biggest break so far.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

12/8/2011 5:20 PM
Thou Reyes thankful for possible international opportunities because of the Kitchen Musical


Sa pagbukas ng mga oportunidad kay Thou sa role niya sa Kitchen Musical, sinabi naman ni Thou na open pa rin naman siya sa pagta-trabaho sa sarili niyang bansa. “Yeah, of course. Kung may magandang offer why not dito sa Philippines pero right now im just focused dito sa Kitchen Musical… siyempre iba pa rin magtrabaho sa atin kahit na buong araw ka nagtratrabaho iba pa rin yung joy.”
 
Nakilala ang actor bilang si Hugo, ang baklang kanang kamay ni Daniella Valencia na ginagampanan ni Ruffa Gutierrez sa Betty La Fea  at bilang si Rafael, isa sa mga bampira sa seryeng Imortal. Ngayon naman siya ay nakikilala na sa buong Southeast Asia bilang isa sa mga cooks sa The Kitchen Musical. At sa ginanap na pocket presscon para kay Thou inamin niya na ang Kitchen Musical ang nagbigay ng pinakamalaking break sa kanyang career, “It’s based on a Singaporean production so I think this is my biggest,  but every project naman is considered big although this is international.”
 
Inamin din ni Thou na ang naging kahinaan niya sa paggawa ng Kitchen Musical ay ang pag-kanta kaya nagakaroon sila ng agreement nina Christian Bautista at Karylle na kapag pagdating na sa kantahan ay tutulungan siya ng mga ito at ‘pag dating naman sa sayawan ay maasahan naman ang tulong niya, “Bago kami lumipad papuntang Singapore nag-usap na kami na kapag sa singing kayo (Christian and Karylle) magt-train sa akin and then sa dancing ako naman so that’s what we did.”
 
Marami din siyang nadiskubre sa kanyang sarili habang ginagawa ang Kitchen Musical, “It gave me more confidence in my voice because im not comfortable with my singing talaga… so now I continuously train for my voice and getting ready for Season 2 so, alam mo yun if Im gonna continue dancing it wont stop there, its continuous training.”
 
Tinanong din ng press si Thou kung magkakaroon pa ba ng second season ang show. “It’s always a question if there will be a second season of course we are hoping for a second season because from what we discussed from season 1 they created the storyline season 1 and season 2, so sabi nga ng aming director, we cannot see the significance of doing just one season parang it doesn’t make sense kaya ang ginawa nila meron na yung season 2 but sabi nung director lets all focus muna sa season 1, sa promo ng season 1 because we are just halfway through. So lahat kami un nagfo-focus for season 1 at nag-pray for season 2 so let’s see.”
 
Nabanggit din ni Thou na may malaking indie project siya ngayon kasama si Dingdong Dantes na based sa mga dancing inmates ng Cebu na sumikat via Youtube at ikinwento niya nga ang pinagdaan nila ni Dingdong sa pag-shoot ng pelikulang ito, “Nag-stay kami sa Cebu for a week, we stayed inside the cell then I met all the Cebu prisoners and nakita namin kung gaano sila ka-disiplinado, kung paano sila dinidisiplina sa loob and ang galing, ang galing pag nakita mo sila sabay-sabay na lahat sila naka-orange unfortunately hindi ako nagsayaw dun kahit ako yung dancer talaga. Hindi ako nagsayaw kasi kontrabida ako e.”
 
At ang galing sa pagsayaw nga ni Thou ang nagbubukas ng iba’t-ibang oprtunidad sa kanya at isa nga dito ay ang pagkuha sa kanya para mag-train sa Australia pero para kay Thou, “Feeling ko naman for me I don’t want to work in Australia, I want to be under Jason Coleman (choreographer for Kitchen Musical) at mag-training sa school niya and that is my priority because right now I started choreography and venture on that, m