• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo's new contract with ABS-CBN includes a reunion movie with John Lloyd Cruz

Sarah Geronimo's new contract with ABS-CBN includes a reunion movie with John Lloyd Cruz

Popstar Princess Sarah Geronimo is thrilled with her upcoming ABS-CBN projects.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

12/8/2011 9:21 AM
Sarah Geronimo's new contract with ABS-CBN includes a reunion movie with John Lloyd Cruz


120811-sarah_main.jpgNgayon pumirma na siya ng bagong kontrata sa ABS-CBN, tinuldukan na ni Sarah Geronimo ang mga kumakalat na espekulasyon na posibleng lilipat na siya ng istasyon. Solid Kapamilya pa rin ang Popstar Princess na minsan nang naintriga na hindi umano pinapahalagahan ng kanyang home network dahil sa pagkakakumpara nila noon ng singer na si Angeline Quinto.

Pero sa kabila ng mga sari-saring intriga sa kanyang career at personal na buhay, pinatunayan ni Sarah na isa pa rin siya sa mga bankable stars ng ABS-CBN lalo na ngayon at sinasabing certified box office hit ang ikalawang pelikula nila ni Gerald Anderson, ang Won’t Last A Day Without You.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng singer-actress dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng ABS-CBN. “I am very happy kasi gusto pa rin nila ako mag-stay sa Kapamilya network at masarap sa pakiramdam yun. Sabi ko nga, hangga’t gusto nila ako dito, nandidito ako,” ani Sarah sa panayam sa kanya ng TV Patrol sa ginanap na contract signing niya noong December 6.

Ngayon pa lang ay excited na rin si Sarah dahil tuloy na tuloy na ang balik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula sa 2012. Isa ito sa mga nakapaloob sa kanyang kontrata kaya siguradong marami sa mga nakapanood ng box office hits nilang A Very Special Love at You Changed My Life ang matutuwa sa darating nilang proyekto. Matatandaang minsan ng naibalita dito sa Push.com.ph na nakatakda nilang gawin ang kanilang ikatlong pelikula na may working title na It Takes A Man And A Woman.

Samantala, inihayag rin ni Sarah ang kanyang hiling na matagpuan ang kanyang true love lalo na ngayong darating na Pasko. Marami tuloy ang nagtatanong kung posibleng si Gerald na ito dahil inamin naman ng dalaga na ito ang lalaking muling nakapagpangiti sa kanya. “Pwede bang yung magiging next boyfriend ko siya na yung magiging asawa ko? Sobrang ang hirap masaktan ‘di ba? Kapag na-heartbroken ka, ang hirap. Sabi ko, sana hindi ako dumaan dun sa papalit-palit na relationship.”