• Home
  • Fresh Scoops
  • Are Jovit Baldivino and Marcelito Pomoy headed for a clash of talents?

Are Jovit Baldivino and Marcelito Pomoy headed for a clash of talents?

Jovit Baldivino and Marcelito Pomoy get ready to stage their first joint concert this December 10.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/8/2011 9:10 AM
Are Jovit Baldivino and Marcelito Pomoy headed for a clash of talents?


120811-jovit_main.jpgPagkatapos ng pagkapanalo ni Jovit Baldivino sa Season 1 ng Pilipinas Got Talent at ni Marcelito Pomoy sa Season 2, hindi maiiwasang maikumpara ang dalawa dahil magkasunod silang singers na nanalo. At nang matanong kung sino ba ang mangangabog sa darating nilang major concert, ito ang nasagot ni Jovit, “Ang alam ko po parehas kaming magshi-shine. Kasi po maipapakita ko yung genre ko, maipapakita niya yung genre niya parang namamarehas lang po.” Dagdag pa ni Marcelito, “Papakita ko yung talent ko, talent niya. Magkaiba kami ng talent.”

Sa darating nilang major concert marami ang nag-aabang kung gagawin din ba ni Jovit ang ginagawa ni Marcelito na nagdodoble kara at si Marcelito naman sa pagka-husky voice ni Jovit, at kung nasubukan na ba nilang magpalitan ng ginagawa, sagot ni Jovit, “Natry ko din po pero yun po hindi po yung as in boses niya pero na-try ko po yun kanta niya nakakaya ko naman.”  “Siya lang po ang maghuhusky e (to Jovit), ano kasi yung boses ko e puno talaga siya,” ang sagot naman ni Marcelito.

Hindi rin maitago ang excitement ng dalawa sa unang pagsasama nila sa isang major concert na magaganap sa Skydome sa December 10. Pero inamin ni Jovit na mas nananaig ang pressure na kanilang nararamdaman, “Mas pressured po kasi ‘di po namin alam kung magugustuhan po ng crowd yung gagawin naming performance hindi po namin alam kung gusto nila o ayaw nila kasi iba na rin po ang uso, kasi po kami rock,” at dagdag ni Marcelito, “Siguro hindi lang kami kakanta, gagawa din kami ng gimik.

Sa dami nga ng mga blessings na natatanggap nila simula ng manalo sila sa PGT at sa umaapaw na suporta sa kanila ng kanilang mga tagahanga na madalas ay umaabot pa nga sa pagbibibgay nila ng mga regalo. Sa papaanong paraan ba nila ito nasusuklian? Para kay Jovit, “Yung sa akin po, kung ano po yung binibigay nila sa akin, yung pagmamahal naman po yung binabalik ko sa kanila. Kunwari po pag pagod na ako kailangan ko sila… kasi minsan po napamahal na rin po ako sa kanila. Minsan po wala akong PA, sila na ang nagvovolunteer kaya po nagkaroon na din po ako ng tiwala tapos napamahal na din po kaya di na rin po maiiwasan na lumayo pa sa kanila,” Para naman kay Marcelito, “Sa akin naman po yung mga nagbibibgay na regalo na mga fans ay sinusuklian ko naman po ng pagmamahal.

Natanong din si Marcelito, dahil ito ang una niyang Pasko sa showbiz kung ano ba ang kanyang mga plano sa darating na araw na ito. “Actually wala ako dito sa Christmas e. Ngayon po magpa-Pasko po ako sa Dubai e, sobrang proud ko na nasa Dubai ako pero ‘di ko makakasama ang pamilya ko. Nung huling Christmas actually umiiyak ako sa Nanay ko e, every year talaga yan, every Pasko nasa bubong ako ng amo o ngayon para bang iba na, iba na ang buhay ko. Sobrang saya ba na iba na narating ko ng di ko inaakala.” Inamin din ni Marcelito na hindi rin sila masyadong nagkakasundo ng kanyang tunay na kapamilya, “Kasi magkakaiba na rin kami ng ugali at matatanda na rin kasi kami nung magkita e.” Pero sisiguraduhin niyang makakasama niya ang kanyang tunay napamilya sa bagong taon at may mga naiisip na rin itong iregalo sa kanila.

Patungkol naman sa girlfriend ni Jovit na si Laurice Bermillo (dating Star Power contestant) kung makakasama niya ba ito sa darating na Pasko bilang sa Canada na naninirahan ang dalaga, ito ang kanyang nasabi, “Hindi ko po alam kasi po malayo po talaga pag pupunta ako doon, mahihirapan po, baka next Christmas na lang po.”