Anabelle Rama lambasts Nadia Montenegro and daughters

The preliminary investigation on Nadia's libel case against the talent manager became a shouting match at the Quezon City RTC.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

12/7/2011 9:21 AM
Anabelle Rama lambasts Nadia Montenegro and daughters


120711-anabelle_main.jpgNauwi sa sigawan ang unang paghaharap sa preliminary investigation sa 2 kaso ng libel na isinampa ni Nadia Montenegro laban kay Anabelle Rama nitong Martes sa Quezon City RTC.

Sa report ng ABS-CBN News, nagsisigaw sa loob ng opisina ng piskalya si Anabelle ng magkaharap sila ni Nadia at 2 anak nito na sila Alyanna at Annyka.

Sinungaling ka, hayop ka. Baboy ka,” ani Anabelle.

Pagkatapos bumuhos ang galit ni Anabelle, lumabas naman ang 2 anak ni Nadia na umiiyak.

Kasunod lang ng 2 bata si Anabelle na nagpahayag pa din ng galit sa dalawa na dati niyang talent.

“Alyanna, huwag kang umiyak. You tell the truth. Tell the truth. Mga sinungaling, bastos,” sigaw ng Gutierrez’s matriarch.

Nag-ugat ang iringan ng dalawang kampo matapos kumalas ang mga anak ni Nadia sa management ni Annabelle.

Ang suweldo ng anak niya P20,000, ano, kukupitin ko ba ‘yon? Hoy, Nadia, nagsisisi talaga ako tinanggap ko ‘yung anak mo, ‘day. Susmaryosep, ‘day. Ipinapa-release niya sa akin, hoy, manigas ka. Hindi ko pag-iinteresan anak mo."

Galit na galit din si Anabelle sa paratang na ibinugaw niya ang mga anak ni Nadia.

Magpa-drug test ka. Baka mali na ang ininum mong drugs. Magpa-check up ka sa utak mo, baka ang turnilyo mo maluwag na, sinungaling.”

Samantala nagpaliwanag naman si Nadia sa nangyari sa loob ng korte.

 “Nasa korte na ganon pa rin, nagwawala, minumura ako, muntik pa akong sapukin.”

 “Kung puwede nga wala na lang sa korte, ibang laban na lang,” dagdag ni Nadia.

Matapos ang insidente sa piskalya agad namang pina-blotter ni Nadia si Anabelle sa Quezon City Police.

Nagsampa din si Nadia ng kasong unjust vexation, bukod pa sa kasong child abuse at falsification of public documents na inihain na niya laban kay Annabelle.

Para naman kay Annabelle, hindi siya aatras sa laban.

Gusto mo sampalan na lang tayo eh, hinahamon kita, Nadia,” ani Annabelle.