• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano is finally ready to move into his eight-bedroom house

Luis Manzano is finally ready to move into his eight-bedroom house

Now that he has finished renovating his home, is settling down next on Luis Manzano's list?

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

12/6/2011 9:08 AM
Luis Manzano is finally ready to move into his eight-bedroom house


120611-luis_main.jpgHalatang inspired si Luis Manzano sa kanyang bagong pag-ibig na si Jennylyn Mercado. Dahil ng minsang bisitahin siya ng Push.com.ph sa promo shoot ng teleseryeng Alta ay kapansin-pansin ang pagiging masigla at accommodating niya sa media habang ang iba niyang male co-stars na sina Zanjoe Marudo at Diether Ocampo ay seryoso at halos hindi makausap dahil sa sobrang pag-i-internalize ng kani-kanilang character sa nasabing soap.

Bukod sa kanyang bagong soap, isa sa mga pinagkakaabalahan ni Luis ngayon ay ang finishing touches ng kanyang newly-renovated house sa Greenmeadows, isang exclusive village sa Quezon City. Ito ay ang property na ipinamana sa kanya ng kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos noong pang 2007. “It’s a very simple eight-bedroom house. Malapit na matapos. Nandun na lahat ng furniture. Arrangement na lang ang kulang, pero very minimal na lang yung aayusin. Wala ng inaantay pa na ini-order.”

Pansamantalang nakatira si Luis sa condo ng kanyang amang si Edu Manzano sa Pasig. Pero sa totoo lang ay matagal na raw siyang kinukumbinsi ng ina na tirhan na ang kanyang bahay. “Dati ko pa kasi dapat inasikaso yan. Nagagalit na nga si mommy sa akin. Sinasabi niya na, ’Iba talaga ang may bahay, tumira ka na dun.’ Matagal ng natapos yung structure. Hindi ko lang naasikaso yung interior.”

Natupad naman daw ang gusto niyang minimalist na disenyo ng kanyang bahay. “Yung initial na plano na magkaroon ng home theater, natupad yun. Pero yung room ko talagang naayos ko maganda. Mula sa TV na may surround sound, ganon. I was very hands on. Although hindi ako nakakapag-shop, pinapadalhan ako ng mga sample. Very masculine yung design, very wide, all windows. Kapag tumawid kayo ng kalye makikita niyo akong naliligo. Ganon ka-visible yung loob ng bahay,” natatawang biro ng actor-host.

Ngayong tapos na ang kanyang bahay, ibig bang sabihin ay handa na rin siyang mag-asawa at iuwi doon ang kanyang future wife? “Hindi naman. Matagal-tagal pa yun. But of course it’s bound to happen. Prepared na rin ako sa future kaysa sa huli pa.”