Christian Bautista wants to keep his love life private

As much as he can, Christian Bautista says he will try to limit the information he gives when it comes to his future love life.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/6/2011 9:21 AM
Christian Bautista wants to keep his love life private


120611-christian_main.jpgDasal para sa mga kaibigang niyang sina Piolo Pascual at KC Concepcion ang gagawin ni Christian Bautista sa kasalukuyan nilang pinagdadaanang pagsubok ngayon. “In any breakup medyo malungkot. They’re both my friends. They just have to go through it,” paliwanag ng singer during the special recognition na ibinigay sa kanya ng Dunkin’ Donuts for his Christmas album na A Wonderful Christmas, which is now a certified diamond record.

Idinagdag pa ni Christian na hindi pa niya kinakausap ang dalawa dahil mas gusto niyang humupa muna ang sitwasyon. “I’m the type na pinapa-simmer down tapos tsaka ako makikipag-usap. So ngayon hindi pa.”

Ipinagtanggol din ni Christian ang isa pang kaibigan na si Mark Bautista na nadadamay rin sa isyu. Ani Christian, noon pa man ay may mga isyu nang kinukuwestyon ang sekswalidad nina Mark at Piolo pero alam niyang huhupa rin iyon. “Mark is not gay. Ganun ang industry. Matagal na ito. It’s not new and Mark and Piolo have proven themselves time and time again, no matter merong isyu na ganito they will survive, they have songs, they have concerts,” ani Christian.

Aniya, kahit siya ay natsismis na dati pero tanggap lang niya iyon. Aniya, ang pinakamaganda ay mag-move on mula sa isyu.

Sa sarili naman niyang love life, sinabi ni Christian na pribado ang kanyang buhay pag-ibig. “Malalaman n’yo na lang kung meron na. Right now kasi I decided to keep whatever romantic [life I have] private to see kung pwede As much as possible private lang kasi ganon akong klaseng tao.

Hindi rin daw isyu sa kanya kung showbiz o non-showbiz ang kanyang magiging karelasyon basta ang mahalaga ay mabigyan niya ng privacy ito. “At any time that I will be asked in an interview I will not say anything about my personal life. It’s a choice,” paninindigan niya. “It’s not [that] ipinagkakait ko ang information sa press. We are public figures. It’s just a choice. Personally if I want my relationship to work I will keep it private as much as possible. Pero hindi rin naman eh. Someday if ever I date around makikita n’yo rin naman, eh. Pero kung tinanong n’yo who’s that, what are you doing, I’m sorry I’ll keep it private. Parang ganun lang.”