• Home
  • Fresh Scoops
  • The Buzz reports on the controversy concerning Mo Twister's viral video

The Buzz reports on the controversy concerning Mo Twister's viral video

DJ Mojo Jojo says friend Mo Twister has been seeking professional help to deal with his recent ordeal.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/4/2011 10:38 PM
The Buzz reports on the controversy concerning Mo Twister's viral video


120511-mo-main.jpgSa patuloy na isyung kinasasangkutan ni Mo Twister, maraming katanungan ang naglalabasan at isa na rito ang tanong kung bakit naisip niya na gawin ang controversial video noong July 28, 2010 at ikinumpisal na ipina-abort diumano ng kanyang then girlfriend na si Rhian Ramos ang kanilang baby.

Sa special report ng The Buzz, sa interview nila sa isang psychologist at sociologist, ipinaliwanag nila na dahil sa sobrang pagiging sensitibo ng isyu ay walang masabihan si Mo at hindi niya ito pwedeng ibahagi sa kahit na sino kung kaya’t ang pagsasabi nito sa kanyang sarili sa pamamagitan ng video ang kanyang naging outlet.

Sinabi rin ng The Buzz na nakipag-ugnayan sila sa GMA Artist Center upang hingan ang kanilang panig subalit hanggang iere ang episode noong December 4 ay wala silang natanggap na sagot.

Samantala, sa report pa rin ng The Buzz noong December 4, inihayag na sa isang broadsheet ay lumabas ang interview sa GMA 7 head, ang Chairman at CEO nito na si Atty. Felipe Gozon na nagsasabing kadema-demanda ang video na ginawa ni Mo na ang layunin ay sirain ang kanilang talent na si Rhian. Dagdag pa ng executive, hindi siya nakikialam pagdating sa issues ng kanilang mga talent pero kinailangan niyang pagtuunan ng atensyon ang kinakaharap ng aktres dahil sa nilabag na batas ni Mo. Naghahanda na ngayon ang istasyon para idemanda ang radio disc jockey.

Sinabi naman ni Atty. Lorna Kapunan, legal counsel ni Rhian na ngayong Lunes ay nagpaplano silang magsumite ng temporary protection order para sa aktres. Idinagdag din ng abogada na ang ginawa ni Mo ay paglabag sa RA 9262 para sa pangangalaga sa karapatan ng mga babae at bata. Nakasaad sa nasabing batas na sakop ng pangangalaga kahit ang mga dating relationships.

Nakapanayam ng The Buzz ang kaibigan at katrabaho ni Mo na si Mojo Jojo at sinabi niya na sobrang apektado ang kanyang kaibigan sa nangyari kung kaya’t siya ay nagsi-seek ng professional help. “You will see ‘yung health n’ya, he’s been sick a lot lately, alam mo ‘yung stress, most people get sick dahil sa stress ‘di ba?” Sinabi pa ni Mojo Jojo may weekly therapy si Mo upang makapag-cope sa pinagdaraanan niya. Ayon pa kay Mojo Jojo ang alam niya ay nakalipad na si Mo at pupunta ng Amerika.

After mai-ere ang report, ibinunyag ni Boy Abunda na nakakuha sila ng official statement na galing kay Mo pero sa buong pamunuan ng show ay napagkasunduan nilang huwag na lang basahin dahil sa sensitibong nilalaman nito.