• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo compares Gerald Anderson to lechon: 'Pag masyadong marami, delikado'

Sarah Geronimo compares Gerald Anderson to lechon: 'Pag masyadong marami, delikado'

Sarah Geronimo reveals that Gerald Anderson made her smile again.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/4/2011 10:49 PM
Sarah Geronimo compares Gerald Anderson to lechon: 'Pag masyadong marami, delikado'


120511-sasagege-main.jpgMasayang-masaya sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa turnout ng kanilang pelikulang Won’t Last A Day Without You na sa ikalimang araw pa lang ng showing ay umabot na agad sa P50 million ang gross nito. Sa The Buzz noong December 4, sinabi ni Sarah na ovewhelmed siya sa suporta ng tao at gayundin si Gerald.

Pati sa studio ng The Buzz ay kinilig ang mga tao nang tanungin ni Toni Gonzaga ang dalawa ng mga random questions.

Sa tanong kay Gerald kung saan niya gustong halikan si Sarah kung may pagkakataon, ang sagot agad ng aktor, “Sa lips. Maganda po ‘yung lips niya. Kissable lips.”

Ikinumpara naman ni Sarah si Gerald sa lechon. “’Pag masyadong marami, delikado. Kapag nasobrahan ka ng admiration sa isang Gerald Anderson deadly siya eh,” malaman niyang sabi. Mabilis namang binawi ni Sarah ang kanyang pahayag. “Masyadong gentleman, maasikaso. Gumaan ang loob ko [sa kanya],” paglalarawan ni Sarah.

Sa dare naman na kumpletuhin ni Sarah ang pahayag na  “Gerald makes me…” ang makahulugang sagot ni Popstar Princess, “Gerald makes me smile again.” Masyado raw kasing mabait at maasikaso ang binata sa kanya.

Kung meron man daw si Gerald gustong ibigay kay Sarah ngayong nalalapit na Pasko, ito ay isang dinner. Nang itanong kay Sarah kung papayag ba ito, tinawag niya ang ina na nasa studio rin na tila humihingi ng permiso.

Kung ire-rate naman niya si Sarah bilang girlfriend material, perfect 10 ang ibinigay ni Gerald. Sa tanong kung bakit, ang sagot ni Gerald, “Bukod sa beauty? ‘Yung ugali niya. Mabait, malambing, pagmamahal sa pamilya niya.” Sinabi naman ni Sarah na gusto niya ang mabuting puso ni Gerald at ang kanyang kindness.